Thisa's POV - SPG Nanatili akong nakatayo sa gitna ng ulan, yakap pa rin ang sarili ko dahil ayaw niyang umalis sa entrance ng RV. At dahil nilalamig at nanginginig na, wala akong choice kundi lumapit sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapansin kong ngumisi siya. "Ngisi-ngisi ka pa dyan," pagmamaldita ko sa kanya. "What? Kanina ako ang inaasar mo tapos ngayon, gagalit ka?" pang-aasar niya. Paglapit ko, inabot niya sa’kin ang tuwalya, nakangisi pa rin. Nang makuha ko ang tuwalya, pinantakip ko sa dibdib ko. Nauna siyang pumasok sa loob ng RV. Tahimik lang din akong sumunod, nakayuko habang binibilisan ang lakad. Pagkapasok ko, napansin ko ang t-shirt ko na nakakalat sa sahig. Dinampot ko agad, saka dumiretso sa banyo. Pagkasara ng pinto, doon lang ako nakahinga nang maluwag.

