Amoy na amoy ko na ang luya at sibuyas habang dahan-dahan kong hinahalo ang kumukulong tinola sa kawali. Mainit ang singaw mula sa sabaw, pero alam ko masasarapan si Rozen dito. Naka-sando lang ako at maikling shorts, kasi kanina lang, galing kami sa kama ni Rozen, hindi na ako tinantanan. Ngayon pa lang huminto. Hindi ko pa masyado nap-proseso ang lahat ng nangyari sa amin nitong mga nakaraang oras. Pero kahit na gano’n, gumaan ang dibdib ko. At doon ko napagtanto na siya ang nakauna sa akin, na ngayon ay paulit-ulit naming ginagawa. Habang hinihintay kong lumambot ang manok, naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. Mula sa gilid ng mata ko, nakikita ko ang anino niya sa tiles ng kusina. This naughty Rozen. Mukhang may binabalak na naman. Wala yata sa bokabularyo niya ang salita

