"R-Rozen!" sigaw ko at naramdaman ang pagsiklab ng init sa mukha ko. "Hindi porket may sakit ka—" "Eh 'di sorry po. Kung anu-ano po kasi ang sinasabi niyo," pilyong sabi, nangingiti na parang ewan. "Sorry na Thisabels, kumati bigla lips ko, sabi halikan daw kita, eh sumunod lang naman ako." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ewan ko sa'yo, Rozen! Pasalamat ka talaga may sakit ka kundi..." Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Kundi ano? Sasaktan mo ang baby mo? Aw, ang lungkot naman." At talagang nagpanggap pa siyang nasasaktan na kunwari napahawak sa dibdib. I can't with this man! Ang pa-baby! Pero ewan ko, hindi ko magawang mainis sa kanya, bagkus, nacu-cute-an pa ako sa pag-arte niya. "Ugh! Kainis!" Ngunit muling nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi, mabilis, tip

