Thunder's POV.
"The wedding of the year happened yesterday at The Duomo Milan Church. Mr. Dmitri Willford and his-
Pinatay ko na ang TV sa loob ng jet.
I had enough.
Ayoko ng makarinig pa ng kahit na anong balita tungkol sa pagpapakasal ni Akira at Dmitri dahil pakiramdam ko mababaliw na ko.
"Are you okay Thunder?" tanong ni Sanya.
Napahilamos ako sa mukha ko. I feel worst. Akala ko madali ang magpalaya pero hindi.
"Do I look like I'm okay?" tanong ko.
Umiling sya.
"Friendship over na talaga kami, kahit na ba nawalan sya ng alaala. How can she do this to you and Celestine" saad ni Sanya.
"Please Sans. I don't want to talk about her" sabi ko.
"Relax bro, magiging okay din ang lahat. Makaka move on ka din" sabi ni Josh. "Kunin mo" inilahad nya sakin ang red wine.
Kinuha ko iyon at inisang lagok.
"Wag ka ng malungkot bro, napaka gwapo kaya natin kaso parang mas gwapo ako sayo pero pwede ka na, maghanap ka na lang ng iba. Nasa 30 ka na pero isa ka pa din sa mga dream guy ng babae. I'm sure you'll find someone na magugustuhan mo" sabi ni Cloud. Tiningnan ko sya. Nakakunot ang noo ni Luna na katabi nya.
"Talaga? I'll find someone I like? May clone na ba si Akira sa pilipinas?" humawak ako sa baba ko. "Ay wag na pala, kahit yung clone mukhang hindi kayang palitan si Akira"
I trird to smile kasi alam kong pinapagaan nila ang loob ko pero sa totoo lang parang ang bigat sa pakiramdam. Parang ang sakit ng buong katawan ko and I can't think straight. Ayoko man syang isipin pero naiisip ko pa din sya.
"Yan! Wag mong itulad sayo si Thunder. Siguro marami kang naging babae nung wala ako kaya ganyan ang mga pinagsa suggest mo. Naku Cloud Denver Hermosa malilintikan ka talaga sakin" sabi ni Luna na hinahampas si Cloud pero sinasalag lang to nung huli.
"Hindi ah, akala ko nga mababaliw na ko nun pero mahal talaga ako ni God kasi hinayaan nyang ipagpatuloy natin yung love story natin" sabi ni Cloud.
I can't help but feel bitter.
Buti pa si Luna at Cloud. They can continue their love story pero yung sa amin ni Akira. Two years ago ng nag end pero hindi ko pa din matanggap.
Ang hirap kasi no? Yung akala mong makakasama mo na habang buhay ay biglang mawawala. Pinatikim ka lang ng tadhana ng saglit na happy feeling. Tapos ayun nung nasanay ka na, nung naniwala ka na, na lahat ay magiging okay biglang poof! Game over. Tapos na. Limited time lang pala.
I always believed na si Akira na ang kasama ko sa pagtanda pero mukhang mag isa na lang ako.
Ay hindi pala, I still have Celestine pero hindi naman habang buhay ay kasama ko sya. Eventually she'll get married and have a family of her own.
Aish grabe naman ang advanced ng utak ko. Wala na talaga. I gave up all my hopes nung ikasal na si Akira at Dmitri. Lahat ng pag asa na hahabulin nya ko at ako ang pipiliin nya ay mabilis na nag vanished nung lumipad na sa ere ang eroplano.
"We will always be here bro" sabi ni Cloud at tinapik ako sa balikat.
"Thanks pero wag mo na kong intindihin ang intindihin mo is kung kelan ka magkaka anak. Impotent ka ba?" tanong ko. Natawa naman ako nung sumimangot si Cloud tas biglang ngumiti. Bipolar ang gago.
Lumapit to kay Luna at umakbay.
"Maghintay ka lang bro, we're working on it diba wife? Mamaya ulit gabi?" tanong nya.
Mabilis syang binatukan ni Luna na pulang pula na ngayon.
"Gago ka Hermosa. Tigil tigilan mo ko sa kakaganyan mo. Asar ka!" sabi ni Luna na tumalikod at pumasok sa isa sa mga room dito sa loob.
Sumunod naman si Cloud sa asawa nya
Nagtawanan naman si Sanya at Josh.
"I missed Brent so much" sabi ni Sanya.
"Malapit naman na tayo, atsaka matutuwa yun sa mga pasalubong natin sa kanya" sabi ni Josh.
Ngumiti ako.
Although heart broken, may isang rason para sumaya ako sa pag uwi ko sa Pilipinas.
I'll finally get to see my daughter.
I missed her at napagdesisyunan kong sa kanya nalang muna i focus ang attention ko.
"Attention sir and ma'am's we'll be landing in a few minutes to our beautiful country. Welcome back to Philippines" sabi nung piloto sa speaker.
"Yes!" sabi ni Sanya.
"Ang tagal ng flight na yun" sabi ni Josh.
"Nandito na tayo?" tanong ni Luna kaya tumango ako.
"Bro, magpaluto ka naman sa bahay po. Doon na kami magdi dinner. Namiss din namin si Celestine atsaka gutom na talaga ako" sabi ni Cloud.
"Wow, wala ka bang bahay bro?" tanong ko.
"Meron pero hindi ako nagha hire ng madaming katulong like you haha pero sige na. Nandun din kasi si mama at papa. Sige na gutom na ko" pamimilit nito.
"Sasama ba kayo?" baling ko kay Sanya at Josh. "Teenager ba kayo?" tanong ko. Nakakandong kasi si Sanya kay Josh.
"Ang bitter mo kulog" sabi ni Sanya at nag roll eyes.
"Ganyan talaga babe pag walang lovelife" sabi ni Josh.
"Shut up dude baka ipalaglag ko kayo ngayon sa labas" sabi ko. Tinawanan lang nila ako. "Sasama ba kayo sa bahay?"
"Yep. Tulog na din naman si Brent by now kaya okay lang. Tsaka magaling ang hired chef mo tho mas masarap magluto si you know who" sabi ni Sanya.
"Maka you know who ka, akala mo nasa Harry Potter ka" sabi ko.
She's talking about Akira. Nung akala ko kasing namatay sya, I hired a professional chef para sa pagluluto sa bahay.
"Yun so doon na kami kakain bro ha?" sabi ko.
"Oo na, tatawag na ko sa bahay. Pero mauna na kayo dun. May aayusin pa ko sa opisina" sabi ko.
"What? Pero ikaw ang boss" sabi ni Luna.
"Marami akong naiwang trabaho. I need to do finish it pero uuwi din ako" sabi ko.
Wala na lang silang nagawa kundi tumango.
Ganito ako, pinapagod ko ang sarili ko sa trabaho so that I can forget about her. I guess I'll be doing this for the rest of my life then.
Dumating kami ng 5 pm sa pilipinas. Minadali ko na lang na tapusin ang mga paperworks ko by 8pm.
Around 9pm na ko ng makarating sa bahay. Nagpa park pa lang ako ng kotse pero rinig na rinig ko na ang ingay mula sa loob ng bahay.
Hindi na ko magugulat kong isang araw may lalabas na reklamo para sakin galing sa mga home owners.
Nagsimulang mag init ang ulo ko nung makita kong naka alis ang cover ng sasakyan ni Akira at mukhang ginamit ito dahil mainit pa ang hood.
Haven't I told them that don't ever use this car? Ayoko sa lahat is pinapakielaman ang gamit ni Akira.
Yun na lang ang mga bagay na nagpapaaalala sakin na Akira was once mine.
Pumasok ako sa loob. Lahat sila nasa sala at masayang nagkukwentuhan. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil nandito ang anak ko at magulang ni Akira.
"Who used Akira's car?" tanong ko. Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. "Diba sabi ko bawal gamitin yun? Si Akira ang huling nagmaneho nun kaya nga hindi ko pinapagamit. Sinong gumamit?" I am starting to be impatient.
Walang sumasagot at parang hindi nila iniinda na nagagalit ako.
What's wrong with these people?!
Ginagalit ba talaga nila ako?!
Magsasalita na sana ako nung
"I used it" napatingin ako sa kanya. Palabas sya ng kusina at may hawak na plato na puno ng cookies.
Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko at babagsak ako. Pinikit ko ang mata ko.
"P-pano?"
"I used it. Drinive ko. Sabi mo din sakin naman yung sasakyan" sabi nya at inilapag ang plato sa center table.
Dali daling
Tumayo sya at hinarap ako.
A wide smile is plastered in her face.
"Akira" pagtawag ko sa kanya. My heart is pounding really hard. Baliw na ba ko? Am I seeing people na wala naman talaga?
Lumapit sya at mabilis akong niyakap.
Hindi agad ako nakagalaw dahil pino proseso ng utak ko kung totoo ba to?
Is Akira really here?
"I'm home now love" sabi nya.
Mabilis ko syang niyakap. I hugged her tightly.
Totoo to. Nandito sya.
Nandito si Akira.
Binalikan nya ko.
My love came home