"Meridette..." sambit ko sa pangalan niya at mabagal akong lumapit at sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya. Lumapit siya sa akin nang nakangiti. "Talaga ngang gusto mo nang makalayo mula kay Theo, huh?" saad niya sa malamyos niyang boses at nagawa niya pang pasadahan ng ng daliri ang aking buhok hanggang sa dulo ng hibla. "N-Nasaan na ang ipinangako mo?" alangan kong tanong dahil iyon naman talaga ang dahilan ba't ako pumayag. Nangunot ang noo niya pero naroon pa rin ang kanyang ngiti. "Alin pangako?" Umakto siyang nakalimot. "I-Iyong bagong identity at—" "Ah! Ito ba?" Sumenyas siya sa isang tauhan. Inilahad niya ang kamay niya at agad naman ibinagay sa kanya ang isang brown envelope na naglalaman na siguro ng mga kailangan ko. Pero nagulat ako nang bigla niyang ihampas sa mu

