Nag-si-tigil ang lahat mula sa kalapastangan ginagawa nila sa akin nang biglang lumipad ang pinto ng silid nang matanggal ito mula sa hamba. At ang lalaking nasa ibabaw ko at ang dalawa pang mga nakahawak sa magkabila kong pulsuhan ay bigla na lang humandusay sa sahig, may tama ng bala sa kanilang mga ulo. Nanlaki ang mga mata ko sa bilis nang pangyayari, puro putok ng baril ang narinig ko, para akong nabingi hanggang sa wala na akong narinig. Ang mga lalaking kaninang nagtatawanan, ngayon ay hawak na ng mga tao ni Theo at kinuha ang armas ng mga ito upang 'di makapang-laban. Si Theo mismo ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin... bakas sa kanyang mukha na hindi niya mapaniwalaan ang eksenang nasaksihan at naabutan niya. Umiiyak akong nanatiling nakahiga, walang damit, walang s

