Lumipas ang maraming mga araw at linggo, na unti-unti nang nakakausap ng matino si Liliana at parati din mamamasyal kasama si Theo ngunit hindi pa rin kayang kausapin ang mga magulang. "Lian," tawag ni Theo sa kanya habang nanatili lang siyang nakaupo sa ibabaw ng kama. "Your parents want to eat with you on the table... hindi mo pa rin ba sila kayang pakiharapan at paunlakan man lang?" Liliana sighed. " Just bring the food here." "Lian..." malambing na tawag nito sa kanya. "Theo... I just can't..." she still refused. "Ako nga nakakaya mo nang makasama sa silid na ito at sa mga lugar na tayo lang sa dami ng nangyari at sa mga nagawa ko sa iyo, bakit sila hindi? They are your parents," he tried to enlighten her. Sandali namang natahimik si Liliana. Oo, magkakasama nga sila sa iisang

