(WARNING: The following scenes contain matured contents, such as violence, abuse not suitable for young audiences if you can't handle the sensitive part, please ignore and read at your own risk.) Nagising akong nasa puting silid na, may swerong natusok sa kamay ko. Umiikot pa ang paningin ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, sa pagkakatanda ko kausap ko lang si Theo at ngayon nagising na ako na narito sa hospital. "She's awake!" I heard Dad's voice. Lumapit silang dalawa sa akin ni Mommy, gumala ang tingin ko sa paligid, hinahanap ang isang tao. Where is Theo? "Anak..." Mom cried and she held my hand tightly. "I'm sorry," hinging tawad niya sa akin habang umiiyak. For the first time, my mother said sorry, I just want to laugh, kung hindi pa mangyayari iyon sa akin, hindi niy

