Kabanata 5

1398 Words
Two days later.  Sunod-sunod ang pag-ring ng phone ni Aira habang siya ay nagmamaneho ng sasakyan patungo sa kompanya ng kanilang pamilya kung saan nagma-manage ang kan’yang kapatid. Pagka-park niya ay sinagot niya ang tawag. “Kuya?” [Yes. Nandito ka na ba? 15 minutes na lang at dadating na ang client.] Tiningnan ni Aira ang kan’yang orasang pambisig. “I’m already here, pero hindi ko pa nari-review ang information ng client mo. Baka mapahiya pa ako. Aalis ka na baa gad? I thought mamayang hapon pa?” she asked. Tumawag kasi ng madaling araw si Alessandro para sabihin na siya na muna ang makipag-meet sa client mamaya dahil aalis ito kasama ang sekretarya papuntang Cebu. It was abrupt, to be honest. Hindi niya pa nire-review ang file tungkol sa client nila kaya napaaga s’yang pumunta rito. Napaaga nga ba? Hindi niya nga alam kung may oras pa siya doon dahil ilang minuto na lang ay narito na ito. She heard him sighed. [Mabuti naman kung gano’n. Nakaalis na kasi kami. No worries na-review ko na rin naman ang proposal nila at makikipag-negotiate ka na lang. I trust your judgement.] “Fine. Mag-ingat ka at bumalik ka kaagad. Ayokong mag-manage ng kompanya mo,” biro niya. Alessandro chuckled. [Okay. Good luck!] Hindi maiwasan na kumunot ang noo ni Aira sa pagtataka. Good luck? Mukha ba s’yang sasabak sa kompetisyon? Lumabas siya ng elevator at sumalubong sa kan’ya ang isang lalaki na may katandaan na. She smiled at him. “Miss Aira,” he greeted with a warm smile. “Pinabilin po kayo sa’kin ng kapatid niyo. Dito po tayo. Actually, nandito na po ang kliyente ni Sir.” Bihira lang sa mga businessman na dumating ng maaga lalo na at 30 minutes ito dumating bago ang nasabing meeting. Nagulat naman si Aira sa sinabi nito. Kanina pa? Pero may oras naman para sa appointment nila kaya sana hindi siya nito sisihin kung bakit siya ang nahuli. Pinagbuksan siya ng pinto ng matanda at nakita ang kliyente na nakaupo habang nakatalikod sa kan’ya. Besides the man there was also another man on his side— his secretary perhaps? Upon hearing the door opened the latter turned his head around. “Good morning,” she greeted them first. Lumakad papunta si Aira sa harap nito at in-extend ang kamay for a shake hands. Her smile stiffened, seeing the client in front of her. Pietro looked at her face before landing to her stretched arm. Naunang tumayo ang sekretarya nito at kinamayan siya. “Good morning, Miss Gomez. It’s nice to meet you.” He looked at his boss and nudged his arm a little. Kinamayan ni Pietro si Aira. Her hands were both soft and warm. Kaagad na bumitaw ang dalaga at umupo. Si Pietro ang client na sinasabi ng kuya niya? Bakit hindi ito nagsalita kung sino? Is he deliberately doing this? Si Pietro naman ay inakala na si Alessandro ang makikita ngayon, ngunit sa kadahilanang kailangan nitong umalis ay ini-expect niya na baka ang ama nito ang makakausap niya. Who would have thought that it was his ex-wife who would show up? Nagpalipat-lipat ang tingin ng sekretarya sa dalawa. Siya lang ba o may namumuong tension sa dalawa? “I suppose you have the files needed for this proposal? Nasabi na sa’kin ni Alessandro ang tungkol doon at okay naman sa kan’ya. Let me just review it for finalizing para naman masiguro na walang mangyayaring breach of contract.” Binigay ng sekretarya ang files. Pareho lang silang nakatitig kay Aira. “We will get 20 percent of the net income from this business. Sa tingin ko naman ay fair ‘yon,” wika nito nang matapos sa pagbabasa. Tumaas ang kilay ni Pietro. “No. 12 percent lang ang dapat na mapupunta sa inyo,” giit nito. He was entrance while looking at her, seeing her now made him feel like he was being proud kahit na wala na sila. The woman who was always humble and kind was now a woman who already spread her wings. Napatawa ng marahan si Aira at tumingin ng matalim kay Pietro. “Malaki ang investment naming sa proposal mo at 12 percent lang ang makukuha naming? Lugi naman yata kami n’yan. O baka naman gan’yan kababa ang tingin mo sa amin?” she said provokingly. She crossed her arms and leaned on the chair. “12 percent that’s the least we can offer you. Kung si Alessandro ang nandito baka ay pumayag na ito. Don’t be too full of yourself.” Nawala ang ngiti ni Aira at sinalubong ang malamig na tingin ni Pietro. “Ganit oba kayabang ang boss mo?” The secretary gulped. Actually, may point naman ang pinaglalaban ng dalawa eh. “Unfortunately, Pietro wala ang kapatid ko kaya ako ang kaharap mo ngayon. Okay lang naman na 12 percent basata hindi sa amin. You can try proposing this to other companies iyon ay kung pumayag sila sa gusto mo.” Pietro curled up his lips, seeing her face changed into irritation. “Fine then. I’ll give 20 percent of the income to GTC. May gusto ka pa ba?” Halos mahulog sa upuan ang sekretarya nito nang marinig ang kakaibang tono sa bibig ng boss niya. Aira twitched her lips. “Wala. We can sign the papers now.” Nilabas ng sekretarya ang pipirmihan na kontrata at nilagay iyon sa harap ni Aira. Hindi ba nahihiya si Pietro na lantaran s’yang tinititigan nito? She felt uncomfortable. Biglang nag-vibrate ang phone ng binata na nasa mesa. Nakita niya agad ang caller nito. It was his girlfriend. To her surprise, he declines the call. Gusto na lang na matapos ni Aira ang nangyayari ngayon. Kung p’wede lang bumilis ang oras pero hindi. It would be unprofessional. “Leave us,” utos ni Pietro sa sekretarya nito na napatanga pa. The boss narrowed his eyes at him kaya mabilis itong kumilos at iniwan ang dalawa sa loob. Tumayo si Pietro at linuwagan ang kan’yang tie bago kumuha ng tubig na nasa gilid lamang. Napapigil ng hininga si Aira nang lumapit ito at dinalhan siya ng tubig. “What? Bakit mo pinaalis ang sekretarya mo? Dapat umalis ka na rin since tapos na tayo sa kontrata.” Pakiramdam niya ay may nakabara sa lalamunan niya nang umupo sa harap niya si Pietro at nilapit ang mukha nito sa kan’ya. What the hell is wrong with this man? “Uminom ka muna ng tubig. Pinagpapawisan ka.” Kinuyom ni Aira ang kan’yang kamao at kinuha ito. Nag-igting ang bagang niya at inubos ang laman n’yon. Mas lalo lang s’yang nainis nang makitang natutuwa ito sa ginagawa sa kan’ya. “You should leave,” mariing demand niya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at mabara ito. “Why do you look tense, Aira?” Pietro put his arms on the armrest of his ex-wife’s char, caging her in the middle. “Hindi ka ba natatakot na makita tayo ng sekretarya mo na ganito?” Nakakainis! Nawalan yata ito ng hiya sa sarili! “Wala naman akong ginagawang masama sa’yo? O ikaw lang ang nag-iisip ng meron?” Malakas na tinulak ito ni Aira at tumayo. Pinaningkitan niya ito ng tingin at kinuha ang bag na nasa mesa. Pietro just looked at her with a smile hanging on his lips. “P’wede ba mahiya ka naman? Kung ano man ‘yang binabalak mo ay itigil mo na. I don’t have time for you and your nonsense!” “Nonsense? Kailan ka pa naging nonsense, Aira?” Hindi mawari ng dalaga kung an oba ang gustong gawin ni Pietro. Hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na ‘to. “Ang hirap mong intindihin, Pietro. Mabuti nga talaga at naghiwalay na tayo dahil hindi ko kinakaya ang pag-uugali mo!” Pietro’s eyes darkened. He grabbed Aira’s arm and looked at her intensely. “You had no idea, Aira. You should’ve stayed abroad and never come back again.” Isang malakas na sampal ang nakuha ni Pietro. Aira’s eyes reddened because of anger. “Sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko, Pietro? Don’t tell me what to do because you don’t own me! Nakakadiri ka,” mariin n’yang sambit. Tumalikod siya at lumabas ng opisina. Pietro touched his cheeks and narrowed his eyes at the closed door. Nakakadiri siya? He chuckled dangerously.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD