Kabanata 8

1417 Words

Las Vegas “Pansin ko na madalang kang mag-cellphone ngayon maliban lamang kapag magpo-post ka ng picture. Okay naman ba kayo ni Pietro?” tanong ng manager ni Karen habang tinitingnan ang alaga na nakapikit ngayon. “We’re both busy. Alam niya na may concert ako kaya hindi niya ako iniistorbo,” sagot nito bago dumilat at umupo ng maayos. “Busy? Ang sabi nagkakasama raw ito together with his ex-wife sa isang meeting. Pinapaalalahan lang kita na baka madamay ka sa walang katuturan na balita dahil doon.” Nangunot ang noo ni Karen at tumingin sa manager niya. “Sa tingin mo hahayaan n’yang mangyari iyon? Besides matagal na silang hiwalay at alam ng mga tao na ako ang girlfriend ni Pietro.” Nagkibit-balikat ang manager. “Hindi mo alam. Baka pagbalik mo iba na ang pakikitungo sa'yo ni Pietro.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD