Kabanata 1. Laglag panga

1540 Words
"Bilisan mo, Tessie! Nandito na ang lahat at ikaw na lang ang kulang," tiling boses ni Margen Fox. Pumilantik ang mga kamay niya sa ere. E, dapat sana tinulungan niya ako dahil sa dami ng bitbit ko. Pero ang walanghiya, nauna pa sa akin tumakbo! "Bilis, Tessie!" Maarteng tugon niya at padabog pa. "Hoy, Margen Fox na pusa! Don't you make me so fast, bakla! I'm so hingal na here. You better help me or else I will make this tapon to your face, bruha!" Nahinto agad siya at natahimik. Maingat siyang bumaba ala Miss Universe ang hakbang at pekeng ngumiti sa akin. "Ikaw naman, girl. Hindi na mabiro," pudpud na ngiti niya at kinuha na ang malaking maleta na bitbit ko. Puro make up kit ang laman nito. Umirap agad siya at nauna nang humakbang. Bumukas ang malaking pinto at ang ingay agad sa paligid ang maririnig mo. "Hello, Miss Tessie ganda!" arteng tugon ni Belinda. Nilampasan ko agad siya. "Miss Tessie! I love the make-up foundation that you've used on me the other day. My skin feels so smooth. Meron ka ba noon? O-Order ako ng isang dozena, please," arteng tugon ni Lala. "Sure, Lala. I will reserve a dozen for you, girl! Thank you. Muawh!" Flying kiss ko at ngiti. Patuloy lang ang hakbang ko. "Miss Tessie! I want to order some spray please. Iyong twenty four hours durability na maninigas ang buhok ko. Type ko iyon! Anim na piraso ang sa akin. Salamat," tugon ni Kara na mukhang impakta dahil sa larag na buhok niya. Napangiwi ako at pekeng ngumiti sa kanya. "Sure, Kara. Bibigyan pa kita ng extra'ng conditioner, okay? Go, girl!" Thumbs-up ko at nagpatuloy pa ulit ako sa hakbang. "Tessie! Tessie! Oh my gulay, girl! Iyong inorder kong cutix. Hay naku, napudpud ang kuko ko, day!" sabay pakita ni Pechay sa kamay niya. Halatang namaga ang mga kuko nito. Napasimangot ako sa kanya. "Gaga! Ginawa mo naman kasing pintura. Hindi ba sabi ko sa'yo imported iyon at malakas ang kapit. Dapat ang ginawa mo, dot, dot, dot lang!" sabay turo ko sa kuko niya. Napanganga agad siya na parang nag-iisip na kong anong mali ang nagawa niya. "Aha, ganun pala!" nganga niya. "Hindi mo ba alam na ang cutix na iyon ay ginagamit sa mga Dalmatians?" Napakurap siya at napatitig sa kuko niya. Naging dalmatians na tuloy ang mukha niya dahil sa headband na polka dot. Kulay puti at itim ito. Napangiwi ulit ako. "Kaya sa susunod na gamitin mo pakonti-konti lang at gawim mo ang sinabi ko.” Umirap na ko at hinawi ang buhok ko. Nakaloloka, nakaka-stress ang mga tao rito! "Thank you, Tessie! I'm sure magugustuhan na ako nito ni Bruno my loves," tugon niya sa likod ko at ngumiti ako. Nagpatuloy ako sa hakbang hanggang sa marating ko ang upuan na para sa akin. Nakataas ang kilay ni Margen Fox, pero nakangiti naman. Inihanda na niya ang lahat ng gamit at ala-senyorita pa akong naupo rito. Taas noo ako na parang ako ang reyna sa lahat ng mga modelo rito. "Okay, next!" arteng tugon ni Margen Fox at nauna nang humakbang si Celeste. Celeste Madrigal, a.k.a. Diamond. Diamond kasi siya lang naman ang pambato sa lahat ng mga modelo rito. Arte siyang naupo sa harapan ko at walang ngiti sa labi. Tumikhim na ako at nagsimula na sa trabaho. Iilan lang sa mga modelo rito ang hinahawakan ko at isa na ang maarteng Celeste na ito! Kung hindi lang dahil sa kagustuhan at ambisyon ko ay tiyak wala na ako rito. Maingat kong ni-retouch ang make up niya. Don't get me wrong may make-up artist sila at sikat pa. Pero dahil kaibigan ko ang sikat na make-up artist na ito, ay nandito ako at nakikipagsisikhan sa mundo niya. Tumayo na si Celeste dahil tapos na siya. Sumunod naman si Rayla, at nakangiti pa. Ryla Montemayor, a.k.a. Silver. Silver kasi pumapangalawa siya kay Celeste. Tatlo lang naman ang hinahawakan ko at ang mga sikat ito. Salamat sa tulong ni Fanny Nazareno, ang eksklusibong make-up artist nila. Wala siya ngayon dahil nagsimula na ang long, long, long vacation leave niya, at ayon nag-tour around na sa Europa. Sa susunod na taon pa ang balik niya, kaya ako muna ang humawak sa tatlong class na alaga niya. Nang matapos ay si Bronze and sumunod at sabay na umingay ang lahat ng mga modelo. Para silang kabute na nag-uunahan sa bandang pintuan. Tumaas agad ang leeg ko at gusto ko tuloy maki-asyoso, pero alam mo na may iniingatan akong ganda, kaya pa-cute effect lang ako. "Ang gwapo talaga ni, Sir Richard!" Sir Richard? Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pangalan niya. Kumurap ako at mabilis na inayos ang buhok at mukha. Nag-beautiful eyes pa ako na parang sira, e wala pa naman siya sa harapan ko! "OMG! Teka lang, Tessie!" tili ni Margen Fox. Patakbo siyang naki-asyoso sa karamihan. Nakataas pa ang kamay niya sa ere na parang lilipad na. Natahimik agad sila at mabilis na nagsibalikan sa mga pwesto nila. Namula ang mukha ni Margen Fox na nakatitig sa akin na parang natatae na. "Ang gwapo, girl!" Nangangarag siya at pumwesto agad na sa likurang bahagi ko. Umayos na ako at ngumiti sa sarili. I swallowed hard, chin up, breast out and stomach in. I smile a little bit and I know that my dimples is now visible. Parang nag-slow motion ang lahat sa paligid ko nang makita ang nakamamangha at hot na hot na kabuuan ng nag-iisang crush ko, si Richard Gordon. "Good morning, everyone!" baritonong boses niya. Parang anchor-man ang boses niya, buong-buo, solid na solid, at tigas na tigas. "Hello, Diamond, Silver and Bronze." Tinitigan niya ang tatlong class na modelo mulo ulo hanggang paa at pabalik pa. Namaywang siya at inulit ang titig sa mga ito. Kinabahan na ako. Ito ang pangatlong araw ko rito, at ito pa lang ang unang beses na makikita ko siya. He knows that Fanny Nazareno is not here and he's making sure that the models will be looked after. Nanlamig ang mga kamay ko, kinakabahan kasi ako baka hindi niya gusto ang ginawa ko sa mukha ng tatlo. Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi niya at tumango. "Well, done. Okay, get ready." Nakahinga agad ako ng maluwag at napangiti sa sarili. Naghihintay ako na mapako sa banda ko ang titig niya, pero wala, deadma! Dahil tumalikod na siya. Ang harsh talaga! Napangiwi na ako nang lumabas na siya at bumagsak na ang balikat ko. "Ay tapos na. Hindi man lang tinanong kung sino ang gumawa sa mukha nila?" tugon ni Margen Fox. Napangiwi na ako at bumuntonghininga ulit. "Ano sa tingin mo? Nagustuhan niya kaya ang ginawa ko sa tatlo?" tingalang titig ko kay Margen Fox na aso! E, sa nag mukhang aso ang mukha niya ngayon, dahil nakakita lang ng mayaman na gwapo. "Oo, girl. Nagustuhan niya. Ikaw pa, alagang Fanny Nazareno ka. Ano ba!" Sabay hawi niya sa buhok, e wala namang buhok ang bakla! "Ewan ko sa'yo!" Tumayo na agad ako at mabilis na humakbang patungo sa kabilang pinto. Sa kabilang pintuan kasi magaganap ang modelling pictorials at nakakapasok naman ako rito, dahil ako lang naman ang eksklusibong pansamantalang pumalit sa make-up artist ng tatlo. Sumilip lang ako. Nagsimula na sila at panay na ang takings ng camera. Ramdam ko agad si Margen Fox sa likod ko. "Wait a bit, bakla. May hinahanap lang ako," mahinang tugon ko, at inikot ang buong paningin sa paligid. Bumagsak ulit ang balikat ko dahil hindi ko na makita si Richard Gordon. Nakakainis. Namiss ko tuloy ang mga mata niya kanina. Tumikhim agad si Margen Fox sa likod ko at mas napadikit na siya sa katawan ko ngayon. Tumaas na ang kilay ko. Ang chansing ng baklang ito! Sabihin na natin na bakla siya, pero lalaki pa rin ano! "Umusog ka nga. Ang chansing mo ah!" sabay siko ko sa tiyan niya at napaurong agad siya. "Alam mo, Margen Fox. Huwag na huwag mo akong ma-" Nahinto ako at nahinto ang mundo ko nang makita ang kabuuang anyo ni Richard Gordon. Napaawang ang labi ko at bumagsak ang panga ko sa sahig. "Excuse me, Miss Tessie," sabay tikhim niya at inayos na muli ang sarili. Humakbang siya at nilampasan na ako. Hindi na tuloy ako makahinga dahil nag marathon ng lalo ang puso ko. "Hello, Miss Tessie," pormal na tugon ng lalaking nakasunod kay Gordon. Presko ang dating niya, nakangiti at katulad ni Gordon, gwapo at amoy mayaman din siya. Sinunod ko sila nang tingin at napaawang pang lalo ang bibig ko. Parang sumadsad na sa sahig ito. "Shut your mouth," sarado ni Margen Fox sa bibig ko. "Sabi ko naman sa'yo," sabay hila niya sa katawan ko. Napakurap na ako at parang nahimasmasan na sa sarili. "S-Sino iyong kasama niya?" wala na kasi akong maisip na itatanong pa. Nakakahiya naman kasi ang ginawa ko kanina. Napagkamalan ko tuloy si Richard na si Margen Fox at talagang nasiko ko pa ang tiyan niya. Kabaliwan talaga! "Pinsan niya iyon, si Dominique Gordon, ang bagong mukha sa mundo ng showbiz," lawak na ngiti ni Margen Fox. Napangiwi ako at inayos kong mabilis ang saril. Pinsan niya iyon? Nakakahiya! . . C.M. LOUDEN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD