CHAPTER 1 Agreement

1011 Words
-Ryker- “ Pero lolo ni hindi ko man lang nakikilala ang babaeng gusto mong mapangasawa ko. Isa pa lolo may kasintahan na ako kung gusto mo ako maikasal kay Rubi ako magpapakasal,hindi sa babaeng kung saan saan mo lang nakilala. Hindi ba yun naman ang gusto mo Lolo ang maikasal ako!” Kararating ko lamang ng mansion ng mga montemajor pero ito at yun agad ang bungad ng lolo ko na si Don. Steven Montemajor. Medyo mahina na ang aking lolo pero bakas pa rin dito ang pagiging makisig na isang tatak ng mga motemajor sa e dad na 85 years old kita pa rin sa mukha nito ang taglay na kagwapuhan at kakisigan. “Ryker, Ako ang masusunod at hindi kung sino sino lamang si Belle apo ito ng matalik kung kaibigan na si Grey. Alam kung kilala mo ang tinutukoy ko Ryker.” Kilala ko naman talaga si Mr. Grey, pero ang sinasabi nitong apo ang hindi ko kilala at wala akong balak kilalanin ang babaeng yun. "Pero, lolo!! Ayaw kung magpakasal sa babaeng hindi ko naman mahal, Haiztt lolo pwede ba wag mo akong daanin sa ganyan!" Bigla kasi itong humawak sa dibdib niya kaya naman napatakbo ako bigla dito. Inalalayan ko itong makaupo binigyan ko na din ito ng isang basong tubig. "Ikaw na bata ka ikaw ata ang papatay sa akin bakit ba hangang ngayon ang tigas ng ulo mo ilan taon ka na ba? Di ba't mag te-trenta kana bakit ayaw mo pa mag asawa huh!" Napakamot ako sa ulo ko wala naman ako sinabi ayaw ko mag asawa. Umupo ako sa harapan ni lolo na ngayon ay nakahawak pa rin sa dibdib niya, hindi ko alam kung nag da-drama ba ito o totoong inaatake na ito. "Lolo okey ka lang ba? okey okey fine!!!! Sige na papayag na ako sa gusto mo pero sa isang kondisyon?" Bigla naman nagbago ang itsura ng lolo ko ng sabihin kung payag na ako mukhang naisahan ata ako nito ahh. "Sige apo sabihin mo ano ang kondisyon mo." Wika nito sa akin at umayos pa ito ng pagkakaupo niya Tumayo naman ako at lumapit ako sa may parteng bintana. Alam kung nakasunod ang mga mata nito sa akin. "Sa isang kondisyon lolo itutuloy ko ang relasyon ko kay Rubi at hindi kami magsasama sa iisang bobong ng babaeng yun." Tumikhim si lolo kaya napatingin ako rito seryoso ang mukha nitong nakatingin lamang sa akin. "Hindi maari yang sinasabi mo Ryker, kailangan niyong magsama sa iisang bobong.At hindi ka na babalik ng State dahil ikaw na ang mamahala sa mga ari-arian natinn .At lalo na sa iiwan kung kompanya wala akong ibang aasahan kundi ikaw lamang apo. Masyadong busy ang ama mo sa kanyang sariling negosyo ni ang dalawin nga ako ay hindi nito magawa. Kaya apo ikaw lang ang inaasahan ko." Nakaramdam ako ng awa sa aking lolo tama naman ito masyadong busy si Dad sa mga business niya ganoon din si Mom mag isa lamang namumuhay si lolo rito sa mansion tanging mga katulong ang kasama niya rito. "Pero lolo, sa State ang buhay ko umuwi lang ako dito para bisitahin ka?" Nakita kung bumagsak ang luha sa mata ng aking lolo kaya lalo akong nahabag dito napakamot ako sa aking batok saka nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Haist Okey sige lolo payag na ako sa mga gusto mo.Kakausapin ko si Eliz na umuwi na ng pilipinas. About naman sa babaeng yan okey pumapayag na rin ako mag sama kami sa iisang bobong kung yun ang ikakasaya mo lolo!" Tumayo si lolo gamit ang kanyang tungkod papunta na ito sa pintuan,mukhang tapos na itong makipag usap sa akin. " One more thing iho, kailangan niyong magka anak ni Belle! Sige na magpahinga ka na muna saka na ulit tayo mag usap." Tuluyan na itong lumabas ng kwarto at naiwan ako nag iisip. Nabigla ako ng sabihin nitong kailangan pa namin magka anak ng belle na yun. Ni hindi ko nga alam kung magugustuhan ko ba ang babaeng yun anakan pa kaya.Napasuntok na lamang ako sa hangin sa inis na nararamdaman ko hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Eliz ang pangyayaring ito. " Hi babe, Kumusta ang pag uusap niyo ng lolo mo? Ipapamana na ba niya sayo ang buong ari-arian niyo!" Bumuntong hininga muna ako hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Rubi ang napag-usapan namin ni lolo. Ilang sandali lang ay Nagsalita muli ito halatang malapit na naman ito mainis. " Okey babe, Kasi ganito 'yun eh may kailangan lang ako asikasuhin dito alam muna walang ibang aasahan si Lolo kundi ako lamang." Narinig kung nag mura ito,Isang bagay na ayaw ko kay Rubi pag naiinis ito oh nagagalit bigla na lamang ito nagmumura.Pag pinagsabihan ko naman lalo lamang siya nagagalit sa akin. Hindi ko na lamang pinansin ang pagmumura nito. "So ano plano mo hindi ka pa makakabalik dito, Ano ba 'yan paano na ang kasal natin Ryker!!" Napalunok ako bigla paano ko sasabihin dito na kailangan muna namin i-isang tabi ang plano namin pagpapakasal.Dahil nga sa ka gustuhan ni lolo Steve na maikasal ako sa apo ng kaibigan niya. Pumitik ang sintido ko ngayon pa lang sumasakit na ang ulo ko. "Ano may kausap pa ba ako.Hello Ryker! pag hindi ka nagsalita ibaba ko na itong tawag mo!!!" Galit na wika ni Rubi,Kaya naman pinara ko ito sa balak niyang gawin.Tupakin pa naman ang isang ito. "Babe, Okey ganito na lang babalik din ako diyan Okey, once na maayos ko ang mga problema dito okey. Sorry na wag ka na mainis." Narinig ko itong nagmura ng mahina. Maya maya pumayag na rin ito sa sinabi kong kailangan muna namin ipag paliban ang pagpapakasal. Buti na lamang at hindi na ako nito kinulit pa. " Sige na may gagawin pa ako tawagan mo na lamang ako.Pag handa kana pakasalan ako byeee!!!" Magsasalita pa sana ako kaso naibaba na agad nito ang tawag ko.Ang akala ko'y okey na rito ang sinabi ko mukhang umiral na naman ang pagka brat ng babaeng 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD