Bivianne “Bivianne Cordova,” pagtawag ni Sir Ohn sa pangalan ko. Dahan-dahan akong tumayo para kunin ang report card ko. Imbis na tingnan ang grado ko ay agad ko iyong tinago hanggang sa makabalik ako sa upuan ko. My heart was pounding. Mabilis ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko nga ay masusuka ko lahat ng kinain ko kaninang umaga. Alam kong nasagutan ko lahat noong mismong araw ng exam, pero iba ngayong hawak ko na ang grades. It’s Saturday. Nagpunta kami sa school para kunin ang mga grade namin. Pwede naming kunin ‘yon kahit anong oras ngayong araw pero nagpasya ang mga kaklase kong sabay-sabay na kumuha nang umaga. Ngayon din ang kuhanan ng grade ni Oxem kaya naman napagpasyahan naming kumain sa labas mamayang lunch kasama ang mga pinsan niya. Sasama rin sa ‘min n

