“I’M GOING TO BE A DADDY!” malapad pa rin ang ngiti sa mga labing saad ni Hideo sa akin at muling hinagkan ang mga labi ko habang nakakulong sa mga palad niya ang mukha ko. Oh, simula kanina, kitang-kita at ramdam na ramdam ko ang labis na kaligayahan niya dahil sa balitang ibinigay ko sa kaniya. Kanina pa rin siya nakangiti, hindi na iyon nawala sa kaniyang mga labi. “I’m going to be a daddy, wife!” saad niyang muli nang pakawalan niya ang mga labi ko at pinaulanan ng maliliit na halik ang aking mukha, ilong at noo. Muli niya akong niyakap nang mahigpit. “Oh, God! Damn, I’m so happy right now baby.” Napahagikhik naman ako. “Me too, love. Sobrang saya ko ngayon.” Malalim na paghinga ang pinakawalan niya sa ere kasabay nang paglapat ng isang palad niya sa tiyan ko at masuyo iyong humap

