DINIG NA DINIG ko ang pagpapakawala ni kuya nang malalim na buntong-hininga. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa narinig kong usapan nila. What? Seryoso ba ang asawa ko? Hideo wants to kiss Kuya Ulap? But why? Dahil ba ito sa paghakbang ko sa kaniya? Oh, damn! “Why do you want to kiss me?” pagalit na tanong pa rin ni kuya sa asawa ko. “I... I don’t know.” Halata sa boses ni Hideo ang labis na frustration. “God! What is happening to me? I don’t know either why I feel like this, f**k!” Saglit na nanahimik ang dalawa. Gusto ko ng pumasok sa loob para isturbuhin ang pag-uusap nila, pero hindi ko pa maigalaw ang mga paa ko. Hindi ko rin malaman kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling ito. Maiinis ba ako o matatawa?! Kasi ngayon, unti-unti ng pumapasok sa isip

