Thirty-seventh Chapter: I Need to Know

1960 Words
T.L.E. class namin ngayon. Nagsusulat lang kami ngayon dahil kinokopya namin ang mga nakasulat sa visual aids na nakapaskil sa board. Habang ang teacher namin na si Mrs. Pascual ay parang may tinitingnan sa lesson plan niya. “Hoy, kilala niyo ba si Mariel?” Nadinig kong sabi ng kaklase kong si Niko. Niko sa umaga, Nicole sa gabi. Alam niyo na kung anong ibig kong sabihin. “Oo. Kaklase namin ‘yon last year. Bakit? Anong meron?” usisa naman ni Cheska. “Alam niyo ba ang tsismis, mga sis? Nakita siya ni Aira no’ng isang araw sa ilalim ng hagdan sa green building may kahalikang boylet!” wika ni Niko. Si Mariel at Aira na sinasabi nila, magkaklase ‘yon sa kabilang section na marahil kaibigan nila. “Sino raw?” usisa naman ni Mariya. Sina Niko, Cheska, at Mariya ay magkakatabi sa likuran ko kaya rinig ko talaga ang mga sasabihin nila. “Si Arjay, sis!” balita naman ni Niko. “Si Arjay? Arjay Montes?” usisa ni Mariya. “Oo, sis!” sagot ni Niko. “Walangya, ex ko ‘yon!” sabi naman ni Mariya. “Ay oo nga, ano?” sambit ni Niko. “One month pa lang kayong hiwalay may bago na agad siya, ha? Aba’y magaling,” sabi naman ni Cheska. “Nako. Wala na ‘kong pake sa kanya!” sambit ni Mariya. “Pero chika sa’kin ni Aira, hindi pa naman daw magjowa ‘yong dalawa,” sambit ni Niko. “Ano? Puwede ba ‘yon? Mag-kiss kayo nang walang kayo?” sambit naman ni Cheska. Nabitiwan ko bigla ang ballpen na hawak ko. Tapos bigla akong kinabahan at kinilabutan. “Aba, bago makahalik sa’kin noon ‘yang si Arjay, three months na kaming magjowa. Tapos sila, ginawa nila ‘yon nang hindi pa sila? Maniwala ka naman sa mga ‘yon,” sambit ni Mariya. Yumuko naman ako at dinampot ang ballpen ko at nagpatuloy sa pagsusulat. --- Puwede ba ‘yon? Mag-kiss kayo nang walang kayo? Nakatulala ako habang nag-e-echo sa isipan ko ang mga salitang ‘yan. Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang mga paghalik sa’kin ni Caden. Napangiwi ako sabay buntonghininga. “Guys. May tanong ako,” sambit ko bigla. Recess namin ngayon at the usual, nasa tapat kami ng classroom ko ng mga kaibigan ko at nagkukuwentuhan. “Aba, bago ‘to ah. Sige, ano ‘yon, Roma?” sambit ni Evan. Tiningnan ko muna sila isa-isa sabay kamot sa batok ko. “Puwede ba ‘yong nag-kiss kayo pero walang kayo?” tanong ko. Pinandilatan naman nila ako ng mata. Tumawa si Evan, “Hala, kanino ka naman nakipaghalikan ha?” “H-Hindi ako. ‘Yong kakilala ko,” palusot ko. Tinawanan nila akong apat kaya’t napakagat-labi ako. “Roma, puwede naman ‘yon. Kung trip lang. Puwede ka naman manghalik ng kahit sino kahit hindi mo mahal o kahit hindi mo jowa,” sambit ni Jeyra. “Gano’n ba…” sambit ko. “Maliban na lang siguro kung sinabi niyang gusto ka niya o mahal ka niya,” sambit ni AJ. “Pero kung fiancé mo naman ‘yong tao, walang problema ro’n,” sambit naman ni Josephine. Tapos tinawanan na naman nila ako. “H-hindi nga kasi ako ‘yon,” sambit ko. “Oo na, oo na,” sambit nila. “Pero happy ako para sa kakilala mong ‘yan, Roma,” sambit ni Josephine sabay kindat sa’kin. --- Naglalakad ako ngayon mag-isa pauwi sa’min. Uwian na kasi galing school. Naghiwa-hiwalay na kami ng landas kaninang magkakaibigan sa may sakayan. “Cassy!” Nagpanting ang mga tenga ko nang may tumawag sa luma kong palayaw. Sino naman kaya ang pangahas na ‘yon? Marahas akong lumingon sa sasakyan na tumigil sa tabi ko at nandilat ang mga mata ko kung sino ‘yon. “Kiara?” Pinasakay niya ‘ko sa sasakyan niya at nagpunta kami sa restaurant na katabi lang ng mall. Kumain kami at libre niya. “Uhm. Paano mo nalaman na nickname ko ang Cassy?” usisa ko. Tumawa siya. At ang hinhin at sweet ng tawa niya. “No. I just wanna call you that way. It’s cute though. But seriously? Nickname mo nga ‘yon?” sambit niya. “Ah oo. Nickname ko ‘yon noong bata pa ako,” sagot ko tapos ay humigop ako ng iced tea. “Wow. Okay,” sambit niya. Nickname ko ang Cassy hanggang ten years old ako. Hindi na ako nagpatawag ng gano’n kasi pakiramdam ko hindi na sa’kin bagay tawagin sa isang cute at feminine na nickname. “So, can I call you Cassy?” nakangiti niyang tanong. “Uhm. Sige, ikaw bahala,” sagot ko. “Yay!” sagot niya. Hindi ko matanggihan si Kiara. Parang wala akong karapatang tumanggi sa magandang babae na gaya niya. Parang pakiramdam ko kasalanan ang pagtanggi sa magandang babae. Pero kung lalaki ang tumawag sa’kin ng gano’n, nasapak ko na ‘yon. “Pauwi ka na ba?” tanong ko. “Ah yes. Wala na kasi akong klase ngayon. Tapos nadaanan kita. So, I decided to grab a lunch with you!” sambit niya. Tumango lang ako bilang sagot. “Isa pa…I want to ask you something,” sambit niya na tila seryoso. “Ano ‘yon?” “It’s about Rendel,” sambit niya. “Ah…anong tungkol kay Caden?” “He’s being secretive about the girl he likes now.” Napalunok ako sa sinabi niya. “Kilala mo ba ‘yong nililigawan niya ngayon?” tanong niya. Napaiwas ako ng tingin at kinabahan. Paano ko ba siya sasagutin? “Bakit mo naman naisip na baka kilala ko ‘yong babae?” tanong ko. “Because I thought that you were close. You know, Rendel is an introvert,” sambit niya. Introvert. Napagkakamalan silang mahiyain. Pero ang totoo niyan, hindi talaga sila mahiyain. Sila ‘yong tinatawag na ‘selectively social’. Ibig sabihin, pinipili lang nila ang mga taong pinakikisamahan nila. At mas prefer nila ang ‘alone time’. “Yes, he has friends. But he rarely comes with them. Kami lang talaga ni Joseph ang masasabing close sa kanya. I asked Joseph at nabigla siya sa naging tanong ko. So obviously, wala siyang alam,” sambit niya. “Bakit gusto mong malaman?” tanong ko. “Well, we’ve been friends since we’re ten. I have a lot of girl friends but Rendel is my bestfriend that I consider, although he’s a guy. I just wanna know what kind of girl that he’s into right now. Rendel never courted any girl ever since, so I’m worried. You know, baka kasi mamaya that girl pala ay lolokohin at sasaktan lang siya, or whatever kaya gusto ko siyang makilala. I don’t want that to happen. Rendel is a great guy. He doesn’t deserve that,” paliwanang ni Kiara. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala niya kay Caden bilang matagal na niya itong kaibigan. “Hindi ko rin alam, eh. Pero siguro, mag-o-open din naman siya sa’yo sa tamang oras. Gaya nga ng sabi mo, magkaibigan kayo. Kaya ipapaalam niya rin ‘yan sa’yo,” sambit ko. “You know what? Ganyan din ang sinabi niya sa’kin,” sambit niya. Napataas ang kilay ko, “Ha?” “He told me that he will tell me and even introduce her to me when the right time comes.” Tinuon niya ang mga braso niya sa mesa. “Kapag girlfriend na raw niya ‘yong girl.” Napalunok ako sa huli niyang sinabi. Napahawak ako sa dibdib ko at napainom ng iced tea. --- Pagkatapos namin sa restaurant ay ibinaba ako ni Kiara sa tapat ng subdivision namin. Pagkatapos ko magpaalam at magpasalamat sa kanya ay naglakad na ako pauwi. Dito ako nagpababa dahil hindi ko naman puwedeng ipaalam na nakatira ako ngayon sa mga Morgenstern. Halos twenty minutes ang ginugol ko sa paglalakad hanggang sa mansyon. Pagpasok ko ng bahay ay deretso kaagad ako sa kuwarto. Nagulat naman ako nang datnan ko si Caden na nakahiga sa kama ko. “Oh. Anong ginagawa niya rito?” bulong ko sa sarili ko. Sinilip ko siya at nakita kong natutulog pala ang tukmol. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama ko. Napansin kong may earphones na nakakabit sa tenga niya. Nakatulog siya nang nakikinig sa music. “Mabait ka lang pagtulog,” bulong ko. Kinuha ko ang phone niya na nasa tabi niya na mukhang latest model ng iPhone. Ano kayang pinapakinggan niya? Pinailaw ko ang screen ng phone niya at nakita ko ang nagpe-play na kanta. “Agree to Disagree by Sleeping With Sirens.” Dahil na-curious ako kung anong kanta ‘yon, kinuha ko ang earphones sa isang tenga niya at kinabit ko sa tenga ko. Nandilat naman ang mga mata ko sa narinig ko. Anong klaseng kanta ‘to? Napakunot-noo pa ako. Heavy masyado ang pagkaka-rock ng kanta. Nagulat naman ako nang may biglang nag-growl. Ano ‘yon? Tinaggal ko ang earphones sa tenga ko at binalik sa kanya. Anong klaseng kanta ‘yong pinapakinggan ni Caden? Screamo ba ‘yon? Napatitig na naman ako sa mukha ng natutulog na kumag. Walang ano-ano’y bigla ko na lang pinunta ang kamay ko sa mukha niya at hinawi ang bangs niya nang dahan-dahan. Nang gumalaw siya ay nagmadali akong bawiin ang kamay ko. Pagkatapos ay tuluyan na siyang nagising. “Mabuti naman at nandito ka na,” sambit niya nang may husky pang boses. Tapos ay bumangon siya at nagkusot ng mata. “Sorry, hindi na kita nasundo. Katatapos lang ng klase ko,” sambit niya. “Ayos lang,” sagot ko. “Ano nga pa lang ginagawa mo rito?” usisa ko. “I’m waiting for you.” Tumango naman ako, “Lumabas ka nga muna,” sambit ko. “Ha? Bakit naman?” tanong niya. “Luh? Magbibihis kaya ako,” sagot ko. “Okay lang ‘yan. Makikita ko rin naman ‘yan pag kinasal na tayo,” katuwiran niya. Nilaliman ko ang tingin ko sa kanya, “Isa.” Ngumisi siya, “Oo na po. Eto na nga po.” Tumayo na siya at lumabas ng kuwarto. Sinara ko ang pinto at nagbihis ng pambahay. Pagkatapos ay binuksan ko na ulit ang pinto at agad na pumasok si Caden at umupo sa kama ko. “Roma.” “Ano?” Hinablot niya ang braso ko at pinaupo sa tabi niya. “Bakit ngayon ka lang? One pm ang uwi mo, ‘di ba? Dapat atleast before two narito ka na. May iba ka pa bang dinaanan?” tanong niya. “Wala. Nakasalubong ko kasi si Kiara at niyaya niya ‘kong mag-lunch.” “Okay. You’re not answering my calls and messages. I got worried,” sambit niya. “G-gano’n ba. Sorry. Hindi kasi ako usually nagche-check ng phone. Isa pa, naka-silent lagi ang phone ko,” sagot ko. “Next time, always check your phone. Because I’m always checking you out.” Napatango lang ako bilang sagot. “Caden.” “Yes?” “Uhm…pa’no ba?” sambit ko. “You love me now?” biro niya. “Sira. Hindi ‘yon. Sino ba ‘yong babaeng tinutukoy mo kay Kiara na nililigawan mo?” Tumingin sa’kin si Caden na pinandidilatan ako ng mata. “I thought you’re smart,” sambit niya. “Ha?” “I’m not sure if you’re numb or dumb, or both?” Napakunot-noo ako, “Ano bang pinagsasasabi mo diyan?” Bumuntonghininga siya nang may ingay, “Nevermind. Let’s just go downstairs. Naghanda na si Manang ng lunch.” Tapos ay tumayo na siya at tumungo sa pinto. Agad naman akong tumayo at sumunod sa kanya. “Hoy, Caden!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD