YHEVEY POV
Muli kong iniharap ang sarili ko sa salamin At tiningnan ang kabuuan ko. Nakasauot ako ng gown na kulay asul. Okay, para malaman niyo Debut ko ngayon. Nakakainis lang wala na siyang paramdam sa akin. Patulong kaya ako kay Dhrevey na kidnapin si Stevian pauwi dito.
Na! Ewan, nakakainis.
"Masyado ka na atang galit sa sarili mo, baka mabasag mo iyang salamin."
Napatingin ako sa nagsalita. I rolled my eyes.
"Anong trip mo this time Nammie?" naiirita kong sabi.
Alam ko na rin ang nangyari sa kanya At himala nagkasundo sila ni Luiz. I think my nangyayaring kakaiba sa dalawang ito. Naglakad siya papalapit sa akin At nginitian ako.
"I just want to tell you something. Hindi ito kabilang sa mga pinapagawa ng queen, kusang loob ko itong sasabihin," sabi niya.
"Im sorry for all what I've done to you and the L.K members. I know, I became rude to all of you at masyadong desperada kay Stevian. But now I realize, Stevian is not for me. He destined too you, so happy birthday Yhevey be happy," nakangiti niyang sabi.
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Accepted, so friends?" sabi ko at inabot ang kamay ko sa kanya.
Kinuha naman niya iyon at nagshake-hands kami. Mayamaya rin tinawag na ako dahil magsisimula ng ang pagbaba ko, charot. Sabi ko naman sa kanila na ayokong magkaroon ng bonggang-bonggang debut pero ang sabi nila,
'Your the first daughter of ASssassin /mafia, so we decided to give you an elegant debut' sabay nila iyang sabi.
Tssss yeah, ako ang unang anak na babae ng isang mafia/assassin. Anak na isa sa legendary ladies assassins at knighwolf Mafia. Napagkasunduan na raw kasi nila iyan noon at ayon nga ginawan nila ako ng engrandeng debut na parang imbitado lahat ng mafia at assassins. Well, imbitado naman talaga sila hays, sa mata ng lahat iisipin nila napakswerte namin dahil anak mayaman at galing kami sa maimpluwensyang pamilya. Ang di nila alam mahirap din ang ganitong buhay dahil once na patanga-tanga ka. Baka sa isang iglap nasa kabaong ka na dahil anytime pweding mamatay.
TEKA NGA!
Bakit ko ba iyon sinasabi ko? At bakit ko iniisip ang mga bagay na iyon, hays
BLAG!
Napahawak ako sa dibdib ko ng bumukas bigla ang pinto.
"ATE!" biglang sigaw ng kapatid ko.
Kita mo itong kapatid ko akala mo tinakbo ang east papuntang west. Sa subrang pawis. Tsss.
"Oh?"
"Kanina ka pa tinatawag akala namin may nangyari na saiyo," sabi niya.
"Tssss kasama ko naman si---"
Napatingin ako sa paligid. Gosh wala na pala si Nammie. Naiwan akong nakatanga dito tssss.
"Aissh tara na nga," sabi ko. Binuhat ko ang laylayan ng gown. Tinulungan naman ako ni Enzo.
"Si dad?" tanong ko, si daddy kasi ang scort ko. Tapos si enzo ang nandito.
"Naghihitay siya saiyo."
Napatango na lang ako. Nakarating kami at agad akong niyakap ni daddy.
"Happy birthday Yhevey," sabi ni dad.
"Thanks dad," nakangiti kong sabi.
Iniwan na kami ni Enzo. Kaya kami na lang ni dad, narinig namin na nagsasalita si mommy gamit ang mic.
"You know what baby, noong debut ng mommy mo parang ikaw lang. Ako ang escort niya noon and she's very beautiful like you," sabi ni Daddy.
"Asus! Nag babaliktanaw ka na naman dad, malamang saan pa ba ako magmamana kundi sa gwapo kong ama at sa maganda kong ina hahaha." Natatawa kong sabi. Actually, pinapasaya ko lang ang boses ko dahil anytime pweding bumagsak ang luhang namumuo na sa gilid ng mga mata ko.
"Haha pero baby, no'ng debut niya alam mo bang nagpropose ako sa kanya? Mabuti na nga lang tinanggap niya. Debut at engagement na rin namin iyon," kwento ni Dad
Nawala bigla ang ngiti ko. Siya?Magpopropose kaya siya?
"And now here's my beautiful daughter, Yhevey Yen Castillo with her dad Envey," narinig kong sabi ni Mom.
Bumukas ang pinto kaya napahawak ako kay dad. Saka kami dahan-dahang naglakad at nagulat ako sa nakita.
Wow Grabe! Hindi naman ito concert pero ang daming nandito. Napaka-elegante nang paligid at natatanaw ko ang kaibigan nina mommy at dad, maging mga matataas na membro ng mafia at assassin. Napangiti na lang ako. Habang naglalakad pababa ng hagdan kasama si daddy. Nakita ko ang 18 roses at candles na nakahilira sa magkabilang gilid ng hagdan. Nangunguna sa 18 roses ko ay si Terrence, sa candles naman si Leshyen. Well, magiging masaya ako kapag nakita ko sila na magkasama. Mukha kasing may nag iba sa kanila. Nang makarating kami sa crowd. Inikutan nila kami ni dad. Nagsimula kaming magsayaw ni daddy. Habang tumutugtog ang kantang 'Dance with my father'na masyadong common sa lahat.
After naming magsayaw ni dad sumunod si Terrence.
"Happy Birthday Yen," sabi niTerrence.
"Thank you, kumusta ka na," nakangiti kong sabi, pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Im fine. Masaya ako dahil masaya ka," nakangiti niyang sabi.
Patuloy kaming nagsayawan before niya ako ibigay kay Luiz, may sinabi siya sa akin na ikinagulo ng isipan ko.
"Mahal kita Yen, pero alam kong mas sasaya ka sa taong mahal mo na mahal ka," biglang sabi niya.
Natulala ako sa sinabi niya. Ako?
M-mahal niya?
Hindi ko napansin na malapit nang matapos ang 18 roses, napansin ko na lang na nasa gitna ako habang hinihintay ang huling taong isasayaw ako. BIGLA na lang namatay ang ilaw pero may nanatiling spotlight na nasa itaas ng hagdan At nakita kong may nakatayo doon. Nagulat ako nang makilala ito.
S-Si Stevian.
Now playing :BORN FOR YOU
Stevian ;= Too many billion people Running around the planet
What is the chance in heaven
That you'd find your way to me?
Napanganga na lang ako, kumakanta siya habang naglalakad pababa ng hagdan. Ano ito, lagi na lang ba niya akong kakantahan tuwing magkikita kami? Mag singer na lang kaya siya.
Pero infairness, he had a beautiful voice.
____Tell me what is this sweet sensation?
It's a miracle that's happened
Though I search for an explanation Only one thing it could be ___
NAkalapit na siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pinuwesto niya ang kamay ko sa leeg niya at ang isang kamay niya nakahawak sa bewang niya habang kumakanta.
___That I was born for you, It was written in the stars .
Yes, I was born for you And the choice was never ours, It's as if the powers of the universe., Conspired to make you mine, And til the day I die, I bless the day that I was born for you__
Napangiti nalang ako, akala ko talaga di siya darating. May pasurpresa pa siya sa akin na ganito. Napataas na lang ang kilay ko ng hinagis niya ang mic sa gilid.
__ Too many foolish people Trying to come between us None of them seem to matter When I look into your eyes ___
Napatingin ako sa biglang kumanta boses babae. Kaya napatingin ako sa gilid may isang spotlight doon then I saw her singing.
Dhrevey.
___Now I know why I belong here, In your arms I found the answer, Somehow nothing would seem so wrong here, If they'd only realise...__
Muli akong tumingin kay Stevian. s**t! Ang sarap niyang suntukin grrrr!
__That I was born for you And that you were born for me, And in this random world, This was clearly meant to be What we have the world could never understand Or ever take away And till the day I die I bless the day that I was born for you__
Born for you? Wow bagay ba iyon sa amin? hahaha
__What we have the world could never understand Or ever take away And as the years go by Until the day I die I bless the day that I was born for you___
Natapos ang kanta at nanatili parin kaming nakatitig sa isat-isa.
"Happy birthday," sabi niya.
I smile then, BOGSH!
"A-Arrrgh," daing niya.
Sinikmuraan ko nga, akala niya ba nakalimutan ko na ang di niya pagparamdam sa akin? Tsssss.
"Happy birthday ate," narinig kong sabi ni Dhrevey.
Ngumiti ako At niyakap siya. How I miss this brat.
Nilapitan ko si Stevian na nakasimangot lang.
"Oh? Anong mukha 'yan?" nakataas kilay kong sabi.
"You know, how much I miss you, then sasaktan mo lang ako," sabi niya pa.
Tinaasan ko siya nang kilay at niyakap
.
"I miss you too," bulong ko.
After that moment, nagpatuloy na ang party. Grabe may hinanda talaga silang presentation sa akin pati ang L.K, pwera kay Dhrevey na nagmamasid lang. Ganyan trabaho niya eh. Taga-masid at alam niyo na ang mangyayari kapag may napusuan siyang pagtripan.