KAIZER POV Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kaninang umaga. Tsk! Bakit di ko na makalimutan ang mukha niya. Napangiti ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. "Hey Kaizer, are you listening?" narinig kong sabi ni Trevon. Tsk! Kasama ko pala sila sa hideout. Nag-inuman na rin. "I am," sagot ko. "Okay gaya nang sabi ko, kailangan nating mahanap si Paul," sabi niya. "Nagbakasyon siya," sabi ni Harold. Napatingin kaming apat sa kanya. "Saan?" tanong ni Trevon. "Sa states, kasama si Ayyah." "Si Ayyah?" hindi makapaniwalang sabi ni Trevon. "Di ba siya iyong babaeng naka one- night-stand mo Trevon?" ani ni Weller. "Oonga," sabi rin ni James. Ayyah Mendoza. Siya iyong babaeng pinaglaruan ni Trevon. Ang alam nila James eh one-nightstand lang ang nangyari, pero hindi

