KAIZER POV BLAG! Napatingin ako sa biglang pumasok at kailan pa ito natutong magdabog? Sa pagkakaalam ko siya iyong mabait sa grupo, mabait nga ba? Mukha kasi siyang nagtransform into a monster dahil sa itsura niya. "Oh? Problema mo? at kailangan harasin ang pinto," sabi ni Trevon sa kanya habang may hawak na baraha. Naglalaro silang tatlo nina Weller at James. "Badtrip!" bulalas niya. "Bakit?" tanong ko. "May pinasundo sa akin si sir Wade At akala ko magiging maayos ang pagsundo ko," sabi niya at ginulo ang buhok, talagang naaasar. Napahinto sila Trevon sa paglalaro at tumingin kay Harold. Maging ako napaayos sa pagkaupo. "Bakit? Napalaban ka ba?" tanong ni James. "Tsss, sana nga at ganoon pero hindi eh, pucha! Noong unang nakita ko siya naastigan ako sa aura niya, pero nang m

