Prologue

738 Words
BABALA: Ang istoryang na ito ay pawang kathang-isip lamang ng may-akda. Anumang pagkakahawig sa mga aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. ....... Si Mayumi ay isang ordinaryong mamamayan lamang na nag-aaral sa umaga at nagtatrabaho sa gabi upang matustusan ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan. Kasalukuyan siyang nasa ikatlong taon sa kolehiyo sa kursong edukasyon. Dahil sa tulong ng programa ng gobyerno ay nakakapag-aral siya ng libre. Mula pa lamang bata siya pinangarap niya na maging isang mahusay na guro. Sa kadahilanan ay gusto niya masuklian ang mga taong tumulong at kumupkop sa kanya. Sapagka't musmos pa lamang si Mayumi ay na ulila na siya. Lumaki siyang walang kinikilalang magulang, at bukod tanging sarili niya lamang ang inaasahan niya. Lumaki si Mayumi sa pangangalaga ng simbahan. Ayon sa madre nakakita sa kanya. Bandang alas-dose na nang madaling araw ng makarinig sila nang iyak ng sanggol sa harap ng pintuan ng simbahan. Wala ni isang tao ang nakapansin kung sino ang nag-iwan sa kanya. Kaya napagdesisyunan nila na kupkopin siya at alagaan hanggang sa makatungtong siya sa tamang edad. Musmos pa lamang si Mayumi ay mulat na siya reyalidad ng mundo. Nagsumikap siya mag-aral at kumayod para magkaroon ng kahit konting pera. Inipon niya ang mga ito hanggang sa magamit niya sa importanteng bagay. Makalipas ang maraming taon. Nagpasiyahan ni Mayumi na lumisan na ng simbahan at magpaalam na sa mga taong tumayo bilang magulang niya. Hindi madali ang naging buhay niya ng umalis siya sa simbahan. Maraming pagsubok ang dumaan sa buhay niya, pero lahat iyon ay na solusyunan dahil sa kanyang pagsusumikap at pagtitiyaga. Upang maibsan ang lahat ng kanyang problema. Binabaling na lamang niya sa pagbabasa ng libro at online novel na katulad ng nobela, manga o manhwa at kung ano pang uring babasahin na pwedeng pampalipas oras, isama mo na rin ang panonood ng anime at kpop. Subalit, nasa Kalagitnaan siya ng pagbabasa ng biglang sumagi sa kanyang isipan na—" May portal kaya papuntang ibang mundo?", tanong niya sa sarili habang payapang itong nakahiga sa malambot niyang kama. "At kung meron man. Anong klase ng buhay ang meron kaya ako? At ano din klase ng kwento o genre?...mala romantiko ba 'to?, aksyon, o di kaya fantasy. Maraming uri ng kwento na pwede saan ako mapadpad, ngunit hindi ito kasingdali na katulad ng nababasa ko." Dugtong pa nito. "Kaya wag na lang natin pangarapin pa..." tila natatawa na lamang siya sa mga pinagsasabi niya na wala namang kabuluhan. Napabuntong-hininga na lamang si Mayumi habang hawak nito ang libro na katatapos niya lang basahin at saka niya inilagay sa side table ng kama ang libro na hawak niya. Unti-unti na rin siyang dinadalaw ng antok. Dahil malalim na rin ang gabi. Napagpasiyahan niya ng matulog. Dahan-dahan ni Mayumi pinikit ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siya nakaidlip. …. "Mayumi gising…" tila naalimpungatan si Mayumi sa mala angel na boses na ngayon niya lang narinig. Kaya dahan-dahan nito minulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya. Isang batang babae na may kulay mentol ang buhok na kasing ganda ng kristal amazonite at ang kanyang mga mata na kasing-asul ng langit ang bubungad sa kanya. Mabilis pa sa kidlat napabangon siya sa kanyang kama. Inilibot niya ang buong paningin niya sa bawat sulok ng kwarto. Napakunot ang noo ni Mayumi dahil tila hindi nito mawari ang mga nasa paligid niya kung kaya't puno ng pangamba at takot ang naramdaman niya.Ramdam ni Mayumi ang bawat patak ng malamig na pawis na dumadaloy sa kanya. Bawat buga ng kanyang paghininga ay parang may nakabarado sa kanyang lalamunan dahilan sa kanyang hirap sa paghinga. At dun niya lamang napukaw ng kanyang atensiyon na ang kanyang mga palad ay tila kamay ng isang bata. Agad-agad siya naghanap ng salamin upang tingnan ang kanyang sarili. Nang makakita siya ng salamin agad niyang tiningnan ang kanyang wangis at laking gulat niya "Hindi maaari…" wika nito habang mahigpit ang hawak nito sa salamin. "Mayumi..." Tawag nito sa kanya ni Rhea. Ngunit tila wala itong narinig. "Ahhhhhhhhhhhh!" sigaw nito na ikagulat ni Rhea at pati na rin ng ibang pang mga bata. Napukaw niya ang lahat ng atensyon sa kanya. Dahil ang katulad niya na dalawampu't-isa taong gulang na dalaga ay biglang magigising sa katawan ng isang batang babae na may edad pitong taong gulang o pababa ang bubungad sa kanya at hindi lang yun nasa kakaibang lugar s'ya na di niya mawari...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD