Ika-labing isang kabanata - Concern

1526 Words
Nasa labas na ng mansiyon si Selena nang umagang iyon at sadyang hinihintay ang paglabas nina Señor Clenton at Señora Shiela. "Selena..." nagtataka man ay masaya namang lumapit si Señora Shiela kay Selena pagkalabas nito. Sa likuran nito ay naglalakad na rin palapit si Señor Clenton. "Puwede po ba ulit akong makisabay sa inyo?" ang nakangiti at magalang na tanong ni Selena sa señora. "Binago na ba ni Kiel ang schedule mo, iha?" kitang-kita ang tuwa sa mukha ni Señor Clenton. Kung si Selena lang ang masusunod, gusto niyang sabihin sa mag-asawa na si Lemman nga ang nagbago ng schedule niya bilang personal maid nito. Ngunit mas nangibabaw ang matinding kabutihan niya. Ayaw na niyang maulit ang pagsisinungaling gaya ng nangyari tungkol sa uniform ni Kiel. Kahit pa sabihin niya sa sarili ngayon na maganda naman ang hangarin niya kung sakali, maituturing pa ring pagsisinungaling iyon. At wala na siyang balak gawin ulit iyon lalo na at si Kiel na naman ang magiging dahilan. "Nakiusap lang po ako kay señorito, señor," tipid ang ngiting sagot ni Selena. Hindi naman nagbago ang galak sa mukha nina Señor Clenton at Señora Shiela. "But you convinced him... And I think that's a good news," nagagalak ding saad ni Señora Shiela. Masayang sumakay ang mag-asawang Lemman kasama si Selena. Bago naman makalabas nang tuluyan ang sasakyan sa gate, wala sa sariling napalingon si Selena sa likuran mula sa kaniyang kinauupuan. Nakita niya tuloy ang paglabas ni Kiel sa mansiyon. Pakiramdam niya ay sinadya ni Kiel na mauna silang makaalis bago ito sumunod. Kung may magagawa lang din sana siya para mapapayag na lang si Kiel na sumabay na lang din sa kanila. Tiyak na matutuwa muli ang mga magulang nito... ******************* Tiningala ni Selena ang mataas na arko sa bungad ng eskwelahan na pinapasukan. Falcon College ang mababasa roon. Senior high school at college ang mga nag-aaral doon. Hanggang ngayon ay ipinagtataka niya na doon mag-aaral si Kiel. Bago siya tuluyang pumasok sa eskwelahan ay napalingon pa siya sa kaniyang likuran at gumala sandali ang kaniyang mga mata sa paligid. Hindi niya man aminin sa sarili, halatang hinahanap niya kung nandoon na ba si Kiel. Nais niya kasi sanang makita kung papapasukin ba ito ng guwardiya dahil nga hindi ito naka-uniporme. Bumuntonghininga na lang siya at umasang makakapasok si Kiel dahil may valid reason naman ito. "Selena!" masayang kumaway si Shane sa kaniya nang bumungad siya sa pintuan ng classroom nila. Nakangiting naglakad si Selena papunta sa kaniyang upuan. Kung tutuusin ay para na rin silang magkatabi ni Shane. Ang nerd look na kaklaseng babae ang seatmate niya talaga na nasa kanan niya habang si Shane naman ay nasa kaliwa niya. "Sabay ulit tayo mamaya," mahinang bulong ni Shane dahil dumating na rin ang guro nila. Masayang tumango si Selena bago ito lumingon sa harapan kung nasaan ang guro nila. Katulad ng sinabi ng guro nila kahapon, nag-distribute nga ito ng libro. Pagkatapos niyon ay kaad din nilang nagamit ang nasabing libro sa subject nilang iyon. Hindi niya masyadong naintindihan ang naging topic nila nang araw na iyon dahil nga kay Kiel. Nakokonsensiya naman kasi siya dahil sa nangyari sa uniform ng lalaki. Kaya naman importante sa kaniyang malaman kung nakapasok ba ito. ************** Kasalukuyang kumakain si Selena sa canteen kasama si Shane nang mamataan niya si Kiel na kapapasok lang sa canteen. Suot nito ang slacks na kapares ng uniform ng mga lalaki at ang pang itaas nito ay isang t-shirt na kulay krema—hindi nalalayo sa kulay ng talagang uniform nila. May print lang na kaunti sa gitna ng t-shirt na iyon. Gumaan ang pakiramdam niya na malamang nakapasok naman pala si Kiel. Sunod niyang nakita ay nang umupo na si Kiel dala-dala ang in-order nitong pagkain. At ilang sandali lang ay may bumating dalawang lalaki at isang babae kay Kiel na sa palagay niya ay mga kaklase nito. Hindi niya namalayan na napangiti siya sa nakita. Natutuwa siyang makita na may mga kasama si Kiel. "Huy!" Napapitlag siya dahil sa bahagyang pagkumpas ng kamay ni Shane sa harapan niya. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" nawiwirduhang tanong ni Shane kasabay ng pagsubo nito sa kinakain. Natawa naman bigla si Selena. "Wala, natutuwa lang ako kasi iyong supladong anak ng amo ko, may mga kausap ngayon. Kasabay niyang mag-lunch," saad niya. Bigla namang lumingon si Shane sa likuran nito kung saan nakatingin si Selena. "Iyong maputing lalaki na guwapo na brown eyes ba? Tapos... Kissable lips..." parang wala sa sariling turan ni Shane habang nakatingin sa kinauupuan ni Kiel. "Naku, Shane, umayos ka nga. Huwag ka ng tumingin doon baka makita ka pa isiping kung ano-ano ang sinasabi ko sa 'yo, ha?" pagsuway ni Selena kay Shane. Mabilis namang umayos ng pagkakaupo si Shane. "Ganyan talaga karamihan ang mga guwapo at mayayaman. Mga suplado. Akala mo'y sila ang nakatira sa mundo," lintanya nito. "Mabait si Señorito Kiel..." tila pagtatanggol naman ni Selena. "Oh, talaga? Sabi mo nga suplado siya 'di ba? Siguro may gusto ka sa kaniya," sunod-sunod na sabi ni Shane bago ito lumagok ng inumin sa baso. Kaagad na namula ang buong mukha ni Selena sa sinabing iyon ni Shane. Hindi siya kaagad nakasagot. Wala naman siyang gusto kay Kiel at madali lang sana iyon sabihin. Ang problema ay iyon ang kauna-unahang pagkakataon na masabihan siyang may gusto sa isang lalaki. "See? Hindi ka nakasagot. Hmmm... Ganun talaga, eh. Nasusupladuhan tayo kapag may gusto tayo sa isang tao. Lalo na kung hindi tayo pinapansin," patuloy ni Shane. Saka pa lamang nakasagot si Selena, "Ano ka ba... Wala akong gusto kay señorito. Nakakagulat lang kasi iyang mga sinasabi mo," depensa niya rito. "Okay. Sabi mo, eh. Madali lang naman akong kausap," at nginitian ni Shane si Selena ng buong tamis. Hindi naman na sumagot pa si Selena. Nang mag-uwian na ng hapong iyon ay sinadya ni Selena na magpatagal sa loob ng classroom na ipinagtaka ni Shane. "Selena, bakit ba ayaw mo pang lumabas?" nagtatakang tanong ni Shane. "Eh, kasi, ayaw ko sanang makasabay si señorito..." sagot ni Selena. "Ganoon ba... O, sige. Maya-maya na tayo lumabas," sambit naman ni Shane. "Eh, kaso, dapat hindi rin ako ma-late masyado. Marami pa akong gagawing trabaho tapos may mga assignments pa tayo," namomroblemang sabi ni Selena. "So, no choice ka. Kailangan na nating lumabas kesa mapagalitan ka pa ng mga amo mo. Especially ng "señorito" mo," pinakadiinan pa ni Shane ang katagang señorito bilang pang-aasar kay Selena. "Tara na nga! Kung ano-anong sinasabi mo," at hinatak na ni Selena si Shane. "Ha?" natatawang reaksiyon ni Shane. Nakahinga lang ng maluwag si Selena dahil wala siyang inabutang Kiel sa sakayan ng tricycle. Masaya siyang kumaway kay Shane bago siya tuluyang sumakay sa isang tricycle. Ganoon nang ganoon ang ginawa ni Selena ng mga sumunod pang araw upang makaiwas kay Kiel. Maliban na lamang nanf dumating ang Biyernes. Nagmamadali kasi siyang makauwi para maaga siyang makapag-ayos ng mga gamit niya. Uuwi siya ng San Martin at sa Linggo na ng hapon ang balik niya katulad ng ipinangako sa kaniya ng mag-asawang Lemman. Dahil nga lumabas siya kaagad ng eskwelahan ng mag-uwian, inabutan niya si Kiel sa sakayan ng tricycle. At gaya ng dati, dahil na rin sa driver, dalawa sila ni Kiel na pinasakay sa iisang tricycle. Hindi niya alam kung dapat niya bang ipagpasalamat na maingay ang ugong ng tricycle upang may dahilan na walang magsalita sa kanilang dalawa. Para talaga siyang hindi nakikita ni Kiel sa loob ng tricycle. Wala itong imik at ni hindi man lang siya nililingon. At katulad nga ng dati, nang bumaba na siya sa labas ng Ciero Mil ay pinapasok naman ni Kiel ang tricycle upang maihatid siyang hanggang sa gate ng bahay. Napaisip pa nga siya na puwede naman siyang isabay ni Kiel upang hindi na siya maglakad papasok ng Ciero Mil. Ngunit ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil ayaw niya rin naman. Nang makarating na siya sa mansiyon ay mabilis na siyang nag-ayos ng mga damit na dadalhin niya pauwing San Martin. Nagpunta rin muna siya sa kuwarto ng mag-asawang Lemman upang magpaalam. Saka siya nagmamadali ng bumaba upang makaalis na at nang hindi rin siya abutin ng hatinggabi sa daan. "Mind to tell me where you're going?" Napaigtad si Selena sa boses na iyon ni Kiel mula sa kaniyang likuran. Nakasuot pa rin ng uniform si Kiel at nakapamulsa ang dalawa nitong kamay. "A-ah... Señorito... Iyon pong binanggit ko sa inyo dati. Tuwing Friday po ay uuwi ako sa amin sa San Martin," mahinang sagot ni Selena. "Next time ask for my permission, too. You are my personal maid which means I need to know everything you do. Especially when you're going somewhere," wika ni Kiel at tumalikod na ito. Napailing na lang si Selena bago ito nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan. "And you take care!" Natigilan muli si Selena nang marinig ang pahabol na iyon ni Kiel. Mapapangiti na sana siya ng wala sa sarili kung hindi lang muling nagsalita si Kiel. "Be extra careful so nothing will happen to you. Don't make me lose my personal maid." Kaya pala concern dahil lang doon. Gayunpaman ay na-touch pa rin naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD