"Oh," sambit naman niya. Akmang kukuha siya ng tissue para punasan iyon ng unahan siya ni Marcus. At nang akmang ito ang magpupunas niyon sa labi niya ay pinigilan niya ito. "A-ako na," sabi niya dito. Napansin kasi niya ang pagdilim ng mukha ni Franco noong akmang pupunasan ni Marcus ang gilid ng labi niya. He looks mad. ---- NAGYAYA si Chassy na maligo sa pool. Nando'n na kasi ang ibang bisita nito na nagsu-swimming. Gusto naman niyang magpaiwan sa kwarto since hindi naman siya maliligo sa pool dahil hindi naman siya marunong na lumangoy. Pero pinilit siya ni Chassy na sumama, mabo-bore lang daw siya kapag magpapaiwan siya sa kwarto. Lumabas naman siya ng banyo na nasa loob ng kwarto nila. Nagpalit kasi siya ng maluwag na t-shirt at short. Napansin naman niya ang pagsulyap ni Cha

