Si Chassy naman ang nag-dare sa kanya. "Dana I want you to kiss Franco in his neck," utos nito sa kanya. "Ha?" Inulit naman nito ang sinabi. "Come on, Dana," pag-udyok sa kanya. Hindi lang nito ang nag-udyok pati ang mga kasama nila na naglalaro. Nagpakawala naman siya ng malalim na buntong-hininga bago siya tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa buhanginan. Ayaw naman niyang maging killjoy sa harapan ng mga ito kung hindi niya gagawin ang laro. Tumingin siya sa dereksiyon ni Franco. Nakatayo ito sa harap ng dalampasigan. Humakbang naman siya palapit dito. "Franco," tawag niya sa pangalan nito. Hindi naman ito lumingon sa kanya kaya humakbang siya patungo sa harap nito. "What?" tanong nito nang magtama ang mga mata nila. "N-naglalaro kasi kami. And... I choose dare," sabi niy

