May ngiti sa labi si Dana na nagpatuloy siya sa paglalakad at bumalik siya sa kusina. Ipinagpatuloy niya ang hindi niya natapos na gawin kanina noong dumating si Franco. Mabilis naman siyang natapos dahil konti na lang ang huhugasan niya. Isinunod naman niyang i-prepare ang mesa para sa dinner nila ni Franco hanggang sa matapos siya. At habang hinihintay niya ito ay naisipan niyang tawagan si Chassy para pasalamatan ulit ito sa mga bigay nito. Naka-tatlong ring din bago nito sinagot ang tawag niya. "Oh, Dana," wika nito mula sa kabilang linya. "Nakaka-istorbo ba ako, Chassy?" tanong naman niya. Baka kasi may ginagawa ito at naistorbo niya ito. "Hindi naman," sagot naman nito sa kanya. "Napatawag ka pala?" mayamaya ay tanong nito sa kanya. "Gusto ko sanang magpasalamat sa 'yo," wi

