"Leaving so soon?" Tanong naman ni Chassy dito. Franco just glared at her cousin. "I have something important to do," he answered in a cold baritone voice. Akmang bubuka ulit ang bibig ni Franco para sana magsalita ng mapahinto ito ng magsalita si Chassy. "May in-organize akong party after ng show. Celebration na din. And I want Dana to celebrate with us," sabi nito kay Franco. "Kung may importante kang pupuntahan, you can go. Ako na ang bahala kay Dana. Ako na ang bahalang maghatid sa kanya," wika ni Chassy dito. "I can do it, too. Pwede ko naman siyang ihatid pauwi," singit naman ni Marcus sa usapan. Pagkatapos niyon ay bumaling ito sa kanya na nakangiti. --- PASIMPLENG sumulyap si Dana sa katabing si Franco na tahimik lang sa kanyang tabi habang umiinom. Nasa bar sila sa sandal

