"Wala naman. Gusto ka lang namin kamustahin," wika ng Mama niya. Mayamaya ay narinig niya ang pagbuntong-hininga nito mula sa kabilang linya. "Sige na, anak. Saka na lang ulit. Magpahinga ka na muna para gumaling ka na," sabi ng Mama niya. "Huwag mong pababayaan ang sarili mo diyan. Kumain ka sa tamang oras para hindi ka nagkakasakit, ha," bilin nito sa kanya. "Opo. Ingat din po kayo," magalang na wika niya. Inilapag naman niya ulit ang hawak na cellphone sa ibabaw ng bedside table ng mawala sa kabilang linya ang Mama niya. Ipinikit na naman niya ang mga mata ng maramdaman na naman niya ang kirot sa sentido niya. Napagpasyahan na lang ni Dana na magpahinga mo na, baka kapag nakapagpahinga siya ay mawala na ang sakit na nararamdaman. Kaya sa halip na magkikilos ay nahiga siya sa kam

