"Bakit mo ako pinadalhan ng pagkain?" tanong niya dito sa seryosong boses. Bahagya naman nitong kinagat ang ibabang labi. Hindi naman niya maiwasan ang mapatitig sa labi nito. And right now, he wanted to bite those lips by himself. f**k! Tumikhim ito. "P-pasasalamat ko sana sa 'yo sa pag-aalaga mo sa akin noong nagkasakit ako," sagot nito. Halos hindi din ito makatingin ng deretso sa mata niya habang nagsasalita ito. "Sorry kung hindi mo gusto na nagpupunta ako sa office mo," dagdag na wika nito sa mahinang boses. Hindi naman siya nagbigay komento sa sinabi nito. Sa halip ay tumitig lang siya dito. "Hmm... may kailangan ka pa? Kung wala na ay aalis na ako. Babalik na ako sa condo," mayamaya ay wika nito sa kanya. Sa halip naman na sagutin niya ito ay tiningnan niya ang suot na wris

