"Hello, Sir." Halos sabay-sabay na bati ng mga ito nang makita ng mga ito si Franco. Pagkatapos niyon ay sumakay ang mga ito sa elevator. Sa dami nila ay halos mapuno ang loob ng elevator. Napaatras naman siya para bigyan daan ang mga ito. At sa pag-atras niya ang tumama ang likod niya sa isang matigas na bagay. At nang lumingon siya sa kanyang likod ay hindi niya maiwasan ang mapakagat ng ibabang labi nang makita niyang si Franco iyon. At nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Saglit silang nagtitigan na dalawa hanggang sa i-alis niya ang tingin dito. Muling umusad ang elevator at sa 7th floor ay huminto na naman iyon. May isang sumakay. At dahil umatras ang nasa harapan niya ay napaatraas din siya. Bumangga na naman ang likod niya sa matigas na katawan ni Franco. At hindi niya ma

