Nang buksan ni Franco ang pinto ng driver seat ay binuksan din niya ang pinto sa gawi niya at bumaba siya do'n. Hinintay naman siya nito na makalapit siya dito bago ito naglakad papasok sa nasabing restaurant. "Good afternoon, Sir, Ma'am." Magalang na bati sa kanila ng lalaking staff ng salubungin sila nito. "Do you have reservation, Sir?" tanong nito. "No," sagot naman ni Franco dito. "Oh," wika naman ng staff. "Dito na lang po tayo, Sir, Ma'am," sabay muwestra sa isang bakanteng mesa. Naglakad naman sila palapit do'n. Umupo silang dalawa. Pagkaupo nila ag agad silang binigyan ng menu. "Choose want you want, Dana." Nag-angat siya ng tingin nang magsalita si Franco. Tumango naman siya. Inalis na niya ang tingin dito at tumingin sa menu. Hindi naman siya makapili kung ano a

