Wala naman siyang narinig na sagot mula dito. Hindi naman niya alam kung nasa kabilang linya pa ba ito o wala na. Kaya inalis niya ang cellphone mula sa pagkakatapat niya sa kanyang tainga para tingnan iyon kung nasa kabilang linya pa ito. And he's still there, muli niyang itinapat ang hawak na cellphone sa kanyang tainga. Sakto namang narinig niya na nagsalita ito. "If you don't want to accept it? Just throw it away, I don't need those," malamig ang boses na wika nito bago ito nawala sa kabilang linya. Napakurap-kurap naman siya ng mata habang nakatitig siya sa hawak na cellphone. --- FOR the nth time, napatingin ulit si Dana sa wall clock. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga nang makitang alas diyes na ng gabi. Inalis naman niya ang tingin do'n at napatingin sa hawak na

