Chapter 29-2

1066 Words

Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga. Mabibigat ang mga hakbang niya na umakyat siya ng hagdan patungo sa pangalawang palapag ng mansion. Lalo yatang kumabog ang dibdib niya ng nasa tapat na siya ng kwartong tinutuluyan. Saglit muna siyang nakatayo do'n hanggang sa kumatok siya para ipaalam ang presensiya niya bago niya pinihit ang seradura pabukas. Nakahinga siya ng maluwang nang pagbukas niya ng pinto ay wala do'n sa kwarto si Franco, mukhang nasa study room ito. Do'n kasi ito madalas na nag-i-stay kapag nasa mansion ito. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kwarto at isinara niya ang pinto. Humakbang siya pero napahinto siya ng marinig niya ang lagaslas ng tubig na nanggagaling sa loob ng banyo. Mukhang nando'n si Franco at wala ito sa study room. Nagpatuloy na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD