HALOS wala silang imikan na dalawa ni Franco habang sakay na sila ng limousine pauwi. Hindi na nga nila tinapos ang party na pinuntahan, pagkatapos nga nilang sumayaw o mas tamang sabihing masinsinang pag-uusap tungkol sa pakikipag-usap niya sa ibang lalaki ay nagyaya na itong umalis na. Lihim naman si Dana na nakiramdam sa katabi. Mula sa gilid ng mata niya ay napansin niyang nakapikit ang mga mata nito habang magka-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Hindi naman niya alam kung tulog ba ito o ipinikit lang nito ang mga mata. At simula din noong sumakay silang dalawa sa limousine nito ay hindi na ito nagsalita pa. Nagpakawala si Dana ng malalim na buntong-hininga bago siya tumingin sa labas ng bintana. Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo nang mapansin

