Pagkatapos niyon ay basta na lang niyang hinagis ang cellphone sa ibabaw ng kama at humiga din siya patihaya at saka siya tumitig sa kisame. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at saka siya tumitig sa kisame. --- NAPATITIG si Dana sa sariling repleksiyon sa salamin ng matapos siyang ayusan ng isang make up artist. Isang oras bago mag-alas sais ay may pumunta sa mansion na isang make-up artist. Pinadala pala ito ni Franco para ayusan siya. Mukhang na-sense nito ang pino-problema niya kanina. Wala kasi siyang dalang make-up o ibang kagamitan sa pag-ayos sa mukha at buhok. Alangan naman kasing mag-powder lang siya sa party na pupuntahan nila. "Wow! Ang ganda-ganda mo naman, Dana. Para kang artista," komento ni Joan. Hindi napigilan ni Dana ang pamulahan ng mukha sa sinabi

