Mayamaya ay napakurap-kurap siya ng mga mata ng isuot ni Franco ang hawak nitong necklace sa leeg niya. Para ngang tumigil ang ikot ng oras dahil pakiramdam niya ay ang tagal-tagal nito iyong isuot. Nang matapos ito ay bahagya itong lumayo sa kanya. Saglit itong tumitig sa necklace na suot niya bago ito nag-angat ng tingin patungo sa mukha niya. Hindi din niya napigilan na salubungin ang ang mainit na titig na pinagkakaloob nito sa kanya. At hindi naman mapigilan ni Dana ang pagbilis ng t***k ng puso niya. --- NGINITIAN ni Dana si Manong Danny nang matapos siyang makababa sa limousine na kinasasakyan. "Salamat po, Manong Danny," wika niya dahil pinagbuksan siya nito ng pinto. Isang ngiti lang naman ang pinagkaloob nito sa kanya. Mayamaya ay napatingin naman siya sa likod niya ng m

