Nakita tuloy siya ni Franco na tanging tuwalya lang ang suot. Grabe nga iyong pamumula ng mukha niya noong sandaling iyon lalo na nang makitang titig na titig si Franco sa exposed na legs niya. Hindi kasi niya inaasahan na papasok si Franco sa kwarto at napasukan pa siya nito sa ganoong scenario. Ang isa ding inaalala ni Dana ay baka isipin na naman ni Franco na plinano niya iyon, na sinadya niyang lumabas ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya para akitin ito? Masyado namang advance mag-isip ang lalaki kung minsan. Nagpakawala na lang si Dana ng malalim na buntong-hininga. Binuksan na niya ang closet niya, kumuha siya ng underwear niya. At napili niyang kunin na isuot ay isang maluwag na kulay puting t-shirt at itim na leggings. Iyon ang madalas niyang isuot kapag nasa bahay lang siya d

