Nakita din ni Dana ang trolley bag niyang nakalapag sa sahig, mukhang may inutusan ito na kunin iyon sa hotel room na pinag-i-stay-an niya nitong nakaraang araw. "Inihatid ni Danny iyang mga gamit mo dito kanina." Napatingin si Dana kay Manang Luming nang magsalita ito. "Bakante na ang isang cabinet dito. Pwede mo nang ilagay ang mga gamit mo do'n," sabi nito sa kanya. "Salamat po," magalang naman na wika niya. Nginitian naman siya ni Manang Luming. "Maiwan na kita dito para makapag-pahinga ka. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako." Mayamaya sabi nito. "Okay po," sagot niya. Nagpaalam na ito sa kanya. Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga ng maiwan siyang nag-iisa ro'n. Saglit din siyang hindi kumilos sa kinatatayuan hanggang sa naglakad siya palapit sa trolley n

