SWEET KISS 2

1031 Words
KATATAPOS lang ng operasyon sa anak ni Anna. And the operation is successful. 12hours siyang nasa loob ng operating room kaya naman pagod na pagod na siya at gutom pa. Paglabas niya ng operating room nadatnan niyang nakaupo si Anna sa labas ng OR. Nilapitan kaagad siya ng kaibigan. "kamusta siya?" nag aalalang tanong nito. "successful ang operasyon. Ililipat na siya sa kwarto mamayang umaga." nakangiting sabi niya. 3am na ng umaga natapos ang operasyon. Kaya, hinihila na rin siya ng antok. "salamat, Elin. Salamat sa pagligtas mo kay, Cloe." umiiyak na sabi ni Anna. Niyakap niya ang kaibigan. "wag ka ng umiyak. Okay na siya at gagaling din siya agad. Makakasama mo pa siya ng matagal. Magpahinga ka muna para pag gising niya bukas ay ikaw ang una niyang makikita." sabi niya. Iniwan na niya ang kaibigan at dumiretso na siya sa HS office para kunin ang mga gamit niya. Pagod na pagod talaga siya kaya naman pagkauwi niya at pagkahiga sa kama agad na siyang iginupo ng antok. Ni hindi na niya nagawang kumain man lang. INCHEON International Airport. Lumapag ang eroplano galing US. Pagkababa ni Gio ng eroplano sinalubong agad siya ng mommy niya na nag-aantay sa arriving area. "anak!" niyakap siya ng mommy niya. "hello, mom!" hinalikan niya ang mommy niya sa pisngi. "i miss you, anak! Pero, umuwi na muna tayo. Naghanda ako ng masarap na pagkain sa bahay." sabi ng mommy niya. "tamang tama gutom na po ako." hinimas pa niya ang tiyan. WALONG taon na rin ang lumipas ng umalis siya ng korea para mag aral sa US. "kamusta ka sa US?" tanong ng mommy niya. Nasa bahay na sila at kumakain. "okay lang ako dun, mom." sabi niya. "babalik ka pa ba dun?" tanong ng mommy niya. "hindi ko pa po alam." "doctor ka naman na, anak. Bakit hindi ka na lang dito sa atin magpatuloy ng pagiging doctor mo? Isa pa maayos na rin naman ang company sa pamamahala ko." sabi ng mommy niya. "pag iisipan ko muna ang bagay na iyan." sagot niya. Tatlong taon na ng mamatay ang Daddy niya. At dahil nag aral siya ng doctor sa US, naiwan ang company nila sa kanyang mommy at ito na ang nagpatakbo. Hindi natuloy na malugi ang company nila. Gumawa ng paraan ang mga magulang niya para maisalba ito at para hindi siya tuluyang magpakasal kay, Yuri. Pero, huli na dahil simula ng araw ding iyon ay nawalan na rin siya ng balita kay, Elin. Kaya pinili na lang din niyang umalis ng korea at mag aral sa US. "kamusta na kaya siya?" tanong ng isang bahagi ng utak niya. "iniisip mo ba siya?" "ha?" nagulat siya sa tanong ng mommy niya. "itinatanong ko kung iniisip mo ba si Elin?" ulit ng mommy niya. "hindi po." tangi niya. "sus! para namang hindi kita kilala. Alam kong siya ang nasa isip mo ngayon na nandito ka na sa korea. Doctor na rin siyang kagaya mo." Nagulat siya sa sinabi ng mommy niya. Doctor na rin si Elin? Masaya siya dahil sa nalaman. Matagal na rin siyang walang balita sa dalaga, dahil hindi naman niya magawang makibalita kung kamusta na ito. Dahil kinamumuhian siya nito. Hindi niya pinahalata na nagulat siya sa sinabi ng mommy niya. "mabuti naman at nakamit niya na ang pangarap niya. Nahigitan pa niya." sabi niya. "oo nga. Isa daw heart surgeon si Elin sa Hanyang Hospital sabi ni Elaine. Hindi na kasi kami nagkikita ni Elin simula nung naging doctor siya. Masyado na kaming busy pareho at walang time. Bisitahin mo siya sa ospital kapag may oras ka." sabi ng mommy niya. Itinuloy na lang niya ang pagkain. Sa totoo lang. Gustong gusto niyang makita ang dalaga at kamustahin. At sabihin na rin na hindi natuloy ang kasal nila ni Yuri. Ngunit, natatakot siya na baka hindi siya nito harapin. Hindi niya rin alam kung saan magsisimula kapag nagkaharap na sila. Pagkatapos kumain umakyat na siya sa kwarto niya. Napadaan siya sa dating kwarto ni Elin nung sa kanila pa nakatira ang dalaga. Binuksan niya ang pinto at ilaw. Malinis ang loob ng kwarto. Ganun pa rin ang ayos na parang may hinihintay. Naalala niya yung panahon na nag aaral pa silang dalawa. Yung araw na minahal nila ang isa't isa. "hindi ko inalis ang mga gamit niya diyan. Baka kasi isang araw dumating siya bigla dito." napalingon siya sa mommy niya na nakatayo sa likuran niya. Gustong gusto talaga ng mommy niya ang dalaga. "magpapahinga po muna ako." paalam niya sa ina. Pumasok na siya sa kwarto niya at nahiga sa kama. Pagod siya sa byahe at gusto niyang matulog pero, ayaw naman siyang dalawin ng antok. Bumangon ulit siya at lumabas ng kwarto. Pumasok siya sa loob ng dating kwarto ni Elin. Inilibot niya ang paningin ng may mapansin siyang isang notebook sa ibabaw ng desk. Kinuha niya ito at binuklat. Nakasulat doon ang pangalan niya at ni Elin. Napangiti siya. Pagkabuklat niya ng sunod na page may mga biglang nahulog mula sa notebook. Dinampot niya ito at tinignan. Picture nilang dalawa ni Elin nung araw ng graduation at nung araw na tinulungan niyang magreview si Elin para sa scholarship exam. Iniwanan pala ni Elin ang ilan sa mga gamit nito sa bahay nila. Masaya pa sila noon at kitang kita iyon sa mga ngiti nila sa litrato. Kinuha niya ang mga litrato at inilagay sa frame sa loob ng kwarto niya. Isa na siyang heart surgeon sa US. Umuwi lang siya ng korea para makasama kahit sandali ang mommy niya. Ilang beses na rin kasi siyang pinauuwi ng mommy niya para dito na rin siya magtrabaho. Nag leave lang siya ng 1month sa trabaho. Pagkatapos ng bakasyon ay babalik na ulit siya ng US. Wala siyang naging girlfriend sa loob ng 8years na pamamalagi niya sa US. Ginugol niya ang lahat ng oras niya para sa pag aaral at trabaho. Kaya naman ngayon ay successful na siya. May mga babae rin naman na lumalapit sa kanya pero, siya na lang ang unang naiwas. Hindi pa man sila nagkakakilala ay lumalayo na kaagad siya. Isang babae lang kasi ang gusto niyang lumalapit sa kanya. Si Elin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD