Seraphine Rose "You are a killer!" Paulit-ulit kong naririnig ang galit na galit na boses ng mga magulang ni Daddy habang tumatakbo ko sa gitna ng kagubatan na hindi ako makalabas-labas. Hindi ako lumilingon sa likod ko at basta lang ako takbo nang takbo. “Dahil sa’yo kaya namatay ang anak namin! Dahil sa inyo ng nanay mo!” “No… No…” Wala akong kasalanan. Walang ginawang masama ang mommy ko. Inosente kami. Hindi namin pinatay si Daddy. “Come back here, Seraphine! We're going to kill you! So you can rot in hell with your mother! Wala kang kwentang anak!” “No!” “WIFE!” Agad akong napadilat at sumalubong sa akin si Zachary. Mabilis akong napayakap sa kanya habang sakay kami ng sasakyan papunta sa Milan. Napasubsob ako sa leeg niya at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. “Z-Za

