Seraphine Rose “I also want you to prepare my office before I go back. I want another office table for my wife. She will start working inside my office.” Naalipungatan ako ng marinig ko ang boses ni Zachary. Madilim na sa kwarto namin at napatingin ako sa bed side table sa side ko kung saan may orasan. Alas-kwatro pa lang ng madaling. Halos isang oras pa lang ang tulog ko. “I’ll call you back,” narinig kong saad pa ni Zach sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at agad siyang lumapit sa kama namin. Inangat niya ang comforter at ipinasok niya ang sarili niya. “Nagising ba kita?” malambing na tanong niya sa akin. “No…. Hindi ka pa ba matutulog?” inaantok na tanong ko sa kanya. Mukhang hindi pa siya natutulog. Matapos namin muling maligo, binihisan na niya ko ng maluwag na t

