Seraphine Rose Parang may mabigat na bagay sa ibabaw ng dibdib ko na pumuputol sa paghinga ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at natuklasan ko na lang si Zachary sa ibabaw ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin na may matigas sa loob ko. O baka naman nasa loob ko pa kasi talaga…. Inangat ko ang dalawang kamay ko at tinapik-tapik ko ang likod niya. Dahan-dahan at maingat lang para hindi siya mabigla. “Zach, hindi na ko makahinga. Lumipat ka na lang ng pwesto. Umalis ka na sa ibabaw ko.” Inaantok na saad ko. Kapansin-pansin din na madilim pa sa labas ng kwarto namin at tahimik na tahimik na talaga ang paligid. Mukhang ako lang ‘tong naalipungatan talaga. “Malaki naman ‘yong kama…” Kahit mas malaki pa rin ang kama sa penthouse niya, hindi rin naman masasabi na maliit ang kamang

