Seraphine Rose Ang daming pumasok sa isip ko sa sobrang takot sa nakita kong apoy sa tuktok ng building ni Zachary. Hindi ko na inisip ang posibilidad na pwedeng ako ‘yong nasaktan dahil nandoon ako bago nangyari ang lahat. Ang inisip ko na lang agad ay paano na siya? Paano kung nakabalik na pala siya sa taas? Paano kung hinahanap niya ko sa opisina niya? Paano kung mawala siya sa akin? There are a lot of questions in my mind that I don't know how I can answer. Kaya mabuti na lang, okay lang siya. Na walang masamang nangyari sa kanya. “Seraphine, nandyan na yata sila.” Napalingon kaagad ako sa pintuan ng mansion ni Lolo dahil sa sinabi sa akin ni Tita. Nakita ko ang sunod-sunod na pagparada ng sasakyan sa harapan ng bahay. Agad kong binitawan ang cellphone sa ibabaw ng sofa at tumak

