Seraphine Rose Damang-dama ko bawat pagtaas at baba ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko lahat ng init ng dugo ko ay nasa ulo ko habang salubong ang kilay kong dahan-dahan na nilalagyan ng cold compress ang pisngi ni Zach. I don’t like it. Naiinis ako sa nangyari pero hindi ko alam kung paano ako mag-re-react. O kung may karapatan man ba ko mag-react dahil sa away nilang magkapatid. Now, I know… Kung anong nararamdaman ni Zach noong may mangyari sa akin. Sinuntok pa lang siya sa mukha niya, hindi ko na nagustuhan paano pa kung mas malala pa rito? “Kuya Yakov is so crazy!” ani ni Ashlyn sa gilid namin. Nandito pa rin siya at palakad-lakad sa gilid namin habang hawak ang cellphone niya. We are still in the living room. Mukhang naistorbo ang tulog ni Ashlyn dahil sa mga

