Seraphine Rose “Hey, baby. Wake up.” Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko. Ang bigat-bigat ng paghinga ko at hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko. Antok na antok ako… “Mr. Hofs, kami na po ang bahala kay Miss Seraphine,” narinig kong saad ng boses ng isang babae. “Baby, wake up. Wake up,” paulit-ulit na sambit ni Zach. Humahanap ako ng buwelo para imulat ang mabigat kong mga mata para hindi na siya mag-alala pa. Gising ako. Gising na gising ang diwa ko pero nahihirapan akong imulat ang mga mata ko. “Please… Wake up. I am here….” he whispered. “Mr. Hofs, please po hayaan niyo kami–” “Sh*t up!” he shouted so madly. “Kapag hindi siya nagising ngayon sa tingin mo magigising siya mamaya?! Hindi siya pwedeng matulog!” He’s mad. I can sense in his voice how mad Zacha

