Seraphine Rose I woke up feeling the touch of the sun on my face. I can feel my stomach turning up and down. It feels like something wants to come out of my mouth. Nagmulat ako ng mga mata at hinanap ko agad si Zachary sa kama pero wala na siya. Dahan-dahan akong naupo para bumangon nang mas lumala ang paghalukay sa tiyan ko. Napatakip ako sa bibig ko at dali-daling tumakbo papunta sa bathroom. “Seraphine!” Zachary shouted. “Why are you running?!” Napahawak ako sa gilid ng bowl at napaduwal pero walang lumabas na kahit ano. Muli akong dumuwal pero wala pa rin kahit pakiramdam ko ay may gustong-gusto talagang lumabas. “F*ck! Seraphine!” Naramdaman ko ang kamay ni Zachary na kinuha ang buhok ko sa gilid ng mukha ko at inilagay sa likod ko. Dinampi niya rin ang palad niya sa likod ko

