Seraphine Rose “Zachary, sigurado ka bang okay lang ‘yong kaibigan mo?” Hindi ako mapakali sa inuupuan ko sa back seat ng kotse niya habang umaandar ito papunta sa kumpanya niya para makasakay kami sa chopper at makauwi na sa Tagaytay. Nag-uusap kami pero sigurado ako na hindi kami naririnig dahil sa divider na nakaharang sa harapan namin. Mas gusto ko ang ganito dahil minsan ayokong naririnig kami ng mga tauhan niya. Sanay na ko sa presensya nila sa paligid ko pero hindi ako sanay na naririnig nila kaming nag-uusap ni Zach dahil mas gusto ko na malayo sila sa amin. “Siguro dapat kang tumawag sa kanila at i-check mo kung okay lang ba si Vettel,” ani ko pa. Pakiramdam ko ay may masama talagang mangyayari kaya ganito na lang ako ang nararamdaman ko ngayon. Ang likot-likod ng dibdib ko.

