Naging maayos naman ang buong limang araw ng trabaho ko bilang tambay sa Opisina ni Sir Zeke. Maghapon akong nanonood ng telebisyon kahit na minsan sa kakatunganga ko roon ay nawawala ako sa tamang huwisyo, paminsan kasi’y naalala ko pa rin ang tungkol sa kanilang kakaibang plano. Sa totoo lang ay gustong-gusto kong umalis na sana kung hindi lang libre ang halos lahat ng kailangan ko sa pang-araw-araw sa kanila. Libre ang bahay, pagkain tapos ay may sahod pa ako, unbelivable ‘no? Pero wala akong magagawa, ganitong klase ng misteryo ng trabaho ang pinasok ko. Ngunit sa nakalipas na mga araw ay sinubukan ko talagang tumakas, kung ano-ano pa ngang palusot ang ginagawa ko para lang makalayo sa paningin ni sir o ni Knoxx. Kaso’y palpak parati, o baka sign lang din ‘yon na hawak na nila ako sa

