-Jewel- “Jewel, ayos lang bang mag tanong ako ng mga personal na bagay sayo?” Biglang tanong ni Seline habang nasa condo kami nito at nagluluto sa kanyang kusina, hindi ko alam kung ano pa ang gusto nitong malaman sa akin samantalang halos alam na rin naman nito ang lahat ng tungkol sa akin, maliban na lang kung may alam pa ito na hindi ko nasasabi sa kanya. Tumingin naman ako dito at nag-iisip ng mga bagay na pwde pa nitong itanong sa akin, hanggang sa maisip kong wala na rin naman ako pwdeng sabihin pa dito. “Bakit ano pa ba ang gusto mong malaman sa akin Seline sa pagkakaalam ko naikuwento ko na ang lahat sayo di ba, buong buhay ko na ang alam mo kaya ano pa ang kailangan mong malaman?” Sagot ko dito habang inaayos ang mga niluto naming ulam dahil malapit na rin mag tanghalian at ma

