-Marco- Narito ako ngayon sa loob ng aking kotse at nakatanaw lang kay Jewel habang inililibing ang ama nito sa isnag private na libingan ng kanilang pamilya, may shade ang mata nito kaya naman hindi ko makita kung umiiyak nga ba ito. Sa loob ng ilang araw na ibinurol ang ama nito ay hindi ko nagawang lapitan ang dalaga o damayan man lang dahil sa tuwing titingin ito sa akin ay nakikita ko ang sakit na nagmumula sa mga mata nito. Hindi ko magawang mahagkan ito dahil natatakot akong makarinig na masasakit na salita dito mula sa babaeng mahal ko, mas kaya ko pang tiisin ang hindi nito pagkibo sa akin kaysa ang sumbatan ako nito at ang salitang ayaw mo maririnig dito ay yung iwan ko na lang siya. Hindi ko magawang makausap ito ng masinsinan dahil palagi rin itong maraming kinakausap na ta

