-Michael / Marco Naging laman ng iba’t-ibang network news ang nangyaring pagsunog sa lupain ng mga Tan, halos lahat ng pahayagan at balita sa telebisyon ay ito na rin ang mapapanood. Mabilis kumalat ang balita at naging trending din ito sa buong mundo, alam kong may kinalaman dito ang pamilya ko pero nanatili lang akong tahimik dahil aaminin kong masaya pa ako ngayon dahil sa tuluyan mawawakasan ang masamang gawain ng mga ito. Ngayon ko rin napatunayan na totoong maimpluwensya ang angkan na pinanggalingan ko dahil mabilis nilang nagawan ng paraan ang lahat ng bagay na binabalak ko pa lamang. Sa tingin ko rin ay matagal na rin nilang alam kung nasaan ako, at ang sabi pa ni Enzo sa akin ay hinahayaan lang nila akong kumilos ng naaayon sa magiging plano ko pero naiinip na daw sila kaya gumaw

