-Michael / Marco “Welcome back Kuya” Masayang sambit sa akin ni Enzo inakbayan pa ako nito at saka na kami sabay na pumasok sa bahay dito sa loob ng gubat. Ang gubat na katabi ng lupain ng mga Tan ay pag-aari ko pala dati nag buong akala ko ay nabili ito ni Bella pero ang totoo ay ako ang nagmamay-ari nito, matagal ka na rin nabili ang lupang ito ng sinimulan kong imbistigahan si Alonzo Tan. Maraming nawala sa ala-ala ko pero unti-unti na rinn namang bumabalik ang lahat kaya naman isa-isa ko na rin sinisimulan ang lahat ng mga planong naudlot ng dahil sa pagkawala ng aking ala-ala. “Kamusta ka na ngayon Kuya?” Tanong naman sa akin ni Bella habang nakatingin sa phone nito ng may magtext dito. Tinignan ko lang ito dahil makikita sa mata nito at kilos na kinakabahan ito ngayon pero hindi

